Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Wika
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • WIKA

      Alinmang pamamaraan, sinasalita o iba pa, na sa pamamagitan niyaon ang mga damdamin o mga kaisipan ay naipapahayag o naitatawid. Gayunman, sa pangkalahatan, ang wika ay nangangahulugang isang kalipunan ng mga salita at mga pamamaraan ng pag-uugnay-ugnay sa mga iyon ayon sa pagkaunawa ng isang grupo ng mga tao. Ang mga salitang Hebreo at Griego para sa “dila” ay nangangahulugang “wika.” (Jer 5:15, tlb sa Rbi8; Gaw 2:11, Int) Ang terminong Hebreo para sa “labi” ay ginagamit sa katulad na paraan.​—Gen 11:1, tlb sa Rbi8.

  • Wika
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Hanggang sa isang panahon pagkatapos ng pangglobong Baha, ang buong sangkatauhan “ay nagpatuloy na iisa ang wika [sa literal, “labi”] at iisa ang kalipunan ng mga salita.” (Gen 11:1) Ipinahihiwatig ng Bibliya na ang orihinal na ‘iisang wika’ na iyon ay ang wikang tinawag na Hebreo noong dakong huli. (Tingnan ang HEBREO, II.) Gaya ng ipakikita, hindi ito nangangahulugan na ang lahat ng iba pang wika ay nagmula at nauugnay sa Hebreo kundi ang Hebreo ay nauna sa lahat ng iba pang wika.

  • Wika
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Kaya matapos guluhin ng Diyos ang kanilang wika, ang mga tagapagtayo ng Babel ay hindi lamang nawalan ng ‘iisang kalipunan ng mga salita’ (Gen 11:1), ng iisang bokabularyo, kundi nawalan din sila ng iisang balarila, ng iisang paraan ng pagpapahayag ng kaugnayan ng mga salita. Sinabi ni Propesor S. R. Driver: “Gayunman, ang mga wika ay hindi lamang sa balarila at mga salitang-ugat nagkakaiba-iba, kundi gayundin . . . sa paraan ng pagbuo ng mga ideya upang maging isang pangungusap. Hindi pare-pareho ang paraan ng pag-iisíp ng iba’t ibang lahi; at dahil dito ang mga anyo ng mga pangungusap sa iba’t ibang wika ay hindi magkakapareho.” (A Dictionary of the Bible, inedit ni J. Hastings, 1905, Tomo IV, p. 791) Samakatuwid nga, ang iba’t ibang wika ay nangangailangan ng lubhang magkakaibang kaisipan, anupat dahil dito ay nagiging mahirap para sa isang bagong nag-aaral ng wika ang ‘mag-isip sa wikang iyon.’ (Ihambing ang 1Co 14:10, 11.) Ito rin ang dahilan kung bakit maaaring maging waring walang-katuturan ang literal na salin ng isang bagay na sinabi o isinulat sa isang di-pamilyar na wika, anupat kadalasa’y nasasabi ng mga tao, “Hindi ko maintindihan!” Kaya, lumilitaw na noong ginulo ng Diyos na Jehova ang pananalita ng mga nasa Babel, binura muna niya ang lahat ng alaala ng kanilang dating iisang wika at saka niya ipinasok sa isip nila hindi lamang ang bagong mga bokabularyo kundi gayundin ang bagong mga kaisipan, na nagbunga naman ng bagong mga balarila.​—Ihambing ang Isa 33:19; Eze 3:4-6.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share