-
Nehemias, Aklat ngKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Alinsunod dito, ang Kislev bago ang Nisan ng ika-20 taóng iyon ay papatak sa 456 B.C.E., at ang ika-32 taon ng paghahari ni Artajerjes (ang huling petsang binanggit sa Nehemias [13:6]) ay sasaklaw sa ilang bahagi ng 443 B.C.E.
-
-
Nehemias, Aklat ngKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Nilisan ni Nehemias ang Jerusalem noong ika-32 taon ng paghahari ni Artajerjes. Pagbalik niya, natuklasan niya na hindi tinutustusan ng mga Judio ang mga saserdote at mga Levita, na nilalabag nila ang kautusan ng Sabbath, na marami ang nag-asawa ng mga babaing banyaga, at na hindi man lamang marunong magsalita ng wika ng mga Judio ang mga supling na ibinunga ng mga pakikipag-asawang ito. (Ne 13:10-27) Ipinahihiwatig ng gayong paglubha ng mga kalagayan na matagal na panahong nawala si Nehemias. Ngunit hindi matiyak kung gaano kahabang panahon ang lumipas mula noong 443 B.C.E. bago natapos ni Nehemias ang aklat na nagtataglay ng kaniyang pangalan.
-