-
Makapangyarihan-sa-LahatKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
MAKAPANGYARIHAN-SA-LAHAT
Ang salitang “Makapangyarihan-sa-lahat” ay isinalin mula sa salitang Hebreo na Shad·daiʹ at sa salitang Griego na Pan·to·kraʹtor. Ang dalawang salitang ito ay maliwanag na nagtatawid ng ideya ng lakas o kapangyarihan.
Ang Terminong Hebreo. Sa tekstong Hebreo, ang Shad·daiʹ ay pitong ulit na ginamit kasama ng ʼEl (Diyos), na bumubuo sa titulong “Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat.” (Gen 17:1; 28:3; 35:11; 43:14; 48:3; Exo 6:3; Eze 10:5)
-
-
Makapangyarihan-sa-LahatKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Ang pangmalas ng ilang makabagong kritiko ay makikita sa komento sa Genesis 17:1 ng saling Katoliko na kilala bilang The Jerusalem Bible (tlb b), na nagsasaad: “Hindi tumpak ang karaniwang salin na ‘Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat’; malamang na ‘Diyos ng Bundok’ ang kahulugan nito.” Gayunman, nakasalig ang gayong kakaibang pangmalas sa maling akala na ang Shad·daiʹ ay nauugnay sa terminong Akkadiano na shadu (bundok). Ang Unger’s Bible Dictionary (1965, p. 1000) ay nagkomento: “Ang pangmalas na ito ay hindi katanggap-tanggap at ang Shaddai ay dapat halawin sa salitang-ugat na shadad [sha·dhadhʹ], ‘maging malakas o makapangyarihan,’ gaya sa wikang Arabe.”—Tingnan din ang The Analytical Hebrew and Chaldee Lexicon, ni Benjamin Davidson, p. 702.
-