-
PagtawaKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
“Mas mabuti ang makinig sa saway ng marunong kaysa maging taong nakikinig sa awit ng mga hangal.” (Ec 7:4, 5)
-
-
PagtawaKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Kung ang isang tao ay lumilihis sa tamang landas, ang saway ng isang taong marunong ang magbabalik sa kaniya sa daan ng buhay sa pamamagitan ng pagtutuwid sa kaniya at pagtulong sa kaniya na makagawa ng isang mabuting pangalan para sa kaniyang sarili. Ngunit paano makatutulong ang pakikinig sa awit ng isang mangmang o sa pambobola na nagkukubli ng mga pagkakamali at nagpapatigas sa atin sa isang maling landasin? Uudyukan tayo nito na patuloy na gumawa ng masamang pangalan, anupat hindi tayo itutuwid nito tungo sa mga daang aakay sa isang mabuting pangalan kay Jehova.
-