-
Susi, IKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Noong panahon ng Bibliya, ang susi ay kadalasang isang lapád na piraso ng kahoy na may mga ngiping kasukat ng mga butas ng trangkahan [bolt] ng pinto ng bahay. Ang gayong susi ay ginagamit upang itulak ang halang o trangka ng pinto, di-tulad ng makabagong susi na ipinapasok at ipinipihit sa susian. Noon, ang susi ay kadalasang inilalagay sa pamigkis o ikinakabit sa ibang bagay at isinasabit sa balikat.—Isa 22:22.
-
-
Susi, IKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Makasagisag na Paggamit. Ginagamit ng Bibliya ang terminong “susi” bilang sagisag ng awtoridad, pamahalaan, at kapangyarihan. Halimbawa, nang itaas sa puwesto si Eliakim at parangalan, iniatang sa kaniyang balikat ang “susi ng sambahayan ni David.” (Isa 22:20-22) Sa makabagong panahon sa Gitnang Silangan, ang isang malaking susi sa balikat ng isang tao ay tanda na siya’y may mataas na posisyon sa lipunan o isang taong importante. Noong sinaunang panahon, ang tagapayo ng hari, na pinagkakatiwalaan ng mga susi, ay posibleng namamahala sa mga silid ng palasyo at nagpapasiya rin kung sino ang maaaring maglingkod sa hari.
-