-
MerodacKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
MERODAC
Anyong Hebreo ng Marduk, ang pinakaprominenteng diyos ng Babilonya, na inihulang babagsak kasabay ng pagbagsak ng Babilonya.—Jer 50:2.
-
-
MerodacKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
May kinalaman sa pagbagsak ng Babilonya, inihula ng propetang si Jeremias na ‘masisindak’ si Merodac. Nagkatotoo ito sa diwa na hindi naipagtanggol ni Merodac ang dangal ng Kapangyarihang Pandaigdig ng Babilonya. Gayundin, yamang ang mga manlulupig ng Babilonya ay sumasamba sa ibang mga bathala, ang kinabukasan ni Merodac ay walang katiyakan at punô ng agam-agam.—Jer 50:2; tingnan ang BEL; DIYOS AT DIYOSA, MGA (Mga Bathala ng Babilonya).
-