Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Kronolohiya
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Ang yugto mula nang mahati ang kaharian noong 997 B.C.E. hanggang sa pagbagsak ng Jerusalem noong 607 B.C.E. ay 390 taon. Bagaman totoo na ang Samaria, na kabisera ng hilagang kaharian, ay bumagsak na sa Asirya noong 740 B.C.E., nang ikaanim na taon ni Hezekias (2Ha 18:9, 10), malamang na may ilang bahagi ng populasyon na tumakas patungo sa timugang kaharian bago dumating ang mga Asiryano. (Pansinin din ang situwasyon sa Juda pagkatapos na mahati ang kaharian gaya ng inilalarawan sa 2Cr 10:16, 17.) Ngunit, higit na mahalaga, ang patuloy na pagmamasid ng Diyos na Jehova sa mga Israelita ng itinapong hilagang kaharian, anupat isinasali pa rin sila sa mga mensahe ng kaniyang mga propeta bagaman matagal nang bumagsak ang Samaria, ay nagpapakitang kinakatawanan pa rin ng kabiserang lunsod ng Jerusalem ang kanilang mga kapakanan at na ang pagbagsak nito noong 607 B.C.E. ay isang kapahayagan ng kahatulan ni Jehova hindi lamang laban sa Juda kundi laban sa bansang Israel sa kabuuan. (Jer 3:11-22; 11:10-12, 17; Eze 9:9, 10) Nang bumagsak ang lunsod, gumuho ang pag-asa ng bansa sa kabuuan (maliban sa ilan na nag-ingat ng tunay na pananampalataya).​—Eze 37:11-14, 21, 22.

      Sa tsart sa pahina 141-143, ang 390-taóng yugtong ito ay ginamit bilang isang mapagkakatiwalaang giya sa kronolohiya. Kung susumahin, ang mga taóng itinala para sa lahat ng paghahari ng mga hari sa Juda mula kay Rehoboam hanggang kay Zedekias ay may kabuuang 393 taon. Bagaman sinisikap ng ilang kronologo ng Bibliya na pagtugma-tugmain ang datos na may kinalaman sa mga hari sa pamamagitan ng maraming magkakasabay na paghahari at “interregnum [panahong bakante ang trono sa pagitan ng mga paghahari]” sa panig ng Juda, waring isang magkasabay na paghahari lamang ang mahalagang ipakita. Ito ay sa kaso ni Jehoram, na sinasabi (halimbawa, sa tekstong Masoretiko at sa ilan sa pinakamatatandang manuskrito ng Bibliya) na naging hari “samantalang si Jehosapat ay hari ng Juda,” anupat nagbibigay ng saligan upang ipalagay na nagkaroon noon ng magkasabay na paghahari. (2Ha 8:16) Sa ganitong paraan, ang kabuuang yugtong ito ay hindi lumalampas ng 390 taon.

  • Kronolohiya
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Si Ezekiel ay hihiga sa kaniyang kaliwang tagiliran sa loob ng 390 araw upang ‘dalhin ang kamalian ng sambahayan ng Israel,’ at sa kaniyang kanang tagiliran naman sa loob ng 40 araw upang ‘dalhin ang kamalian ng sambahayan ni Juda,’ at bawat araw ay ipinakitang kumakatawan sa isang taon. Maliwanag na ang dalawang yugto (390 taon at 40 taon) na inilarawan sa gayong paraan ay kumakatawan sa haba ng pagtitimpi ni Jehova sa dalawang kaharian dahil sa idolatrosong landasin ng mga ito. Gaya ng ipinakikita sa Soncino Books of the Bible (komentaryo sa Ezekiel, p. 20, 21), ganito ang pagkaunawa ng mga Judio sa hulang ito: “Ang pagkakasala ng Hilagang Kaharian ay sumaklaw sa isang yugto na 390 taon ([ayon sa] Seder Olam [ang pinakamaagang kronika na naingatan sa wikang Hebreo pagkaraan ng pagkatapon], [at sa mga Rabbi na sina] Rashi at Ibn Ezra). Kinalkula ni Abarbanel, na sinipi ni Malbim, ang yugto ng pagkakasala ng Samaria bilang mula noong panahon ng pagkakahati sa ilalim ni Rehoboam . . . hanggang sa pagbagsak ng Jerusalem

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share