-
JudaKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Hindi Naiwala ang Pamamahala. Gayunman, ang kapaha-pahamak na wakas na ito ng kaharian ng Juda ay hindi nangangahulugang naalis ang setro at ang baston ng kumandante mula sa tribo nang habang panahon. Ayon sa hula ni Jacob nang mamamatay na siya, ang tribo ni Juda ang pagmumulan ng permanenteng maharlikang tagapagmana, ang Shilo (nangangahulugang “Siya na Nagmamay-ari Nito; Siya na Kinauukulan Nito”). (Gen 49:10) Kaya naman bago ang pagbagsak ng kaharian ng Juda, angkop na sinabi ni Jehova kay Zedekias, sa pamamagitan ni Ezekiel, ang mga salitang ito: “Hubarin mo ang turbante, at alisin mo ang korona. Hindi na ito magiging gaya ng dati. Itaas mo ang mababa, at ibaba mo ang mataas. Kagibaan, kagibaan, kagibaan ang gagawin ko roon. Kung tungkol din dito, hindi nga iyon aariin ninuman hanggang sa dumating siya na may legal na karapatan, at ibibigay ko iyon sa kaniya.” (Eze 21:26, 27) Ang isa na may legal na karapatan, gaya ng ipinahiwatig sa patalastas ng anghel na si Gabriel sa birheng Judio na si Maria pagkaraan ng mga 600 taon, ay walang iba kundi si Jesus, ang anak ng Diyos. (Luc 1:31-33)
-
-
JudaKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Pagkaraan ng Pagkatapon. Noong 537 B.C.E., nang magkabisa ang utos ni Ciro na nagpapahintulot sa mga Israelita na bumalik sa lupain ng Juda at muling itayo roon ang templo, maliwanag na ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang tribo ay bumalik sa kanilang sariling lupain. (Ezr 1:1-4; Isa 11:11, 12) Bilang katuparan ng Ezekiel 21:27, walang hari mula sa linya ni David ang nangasiwa sa nakabalik na bayan.
-