Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Dario
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Sinasabi ng ilang iskolar na si Cambyses (II) ay ginawang “Hari ng Babilonya” ng kaniyang amang si Ciro di-nagtagal pagkatapos nitong masakop ang Babilonya. Bagaman maliwanag na naging kinatawan si Cambyses ng kaniyang ama taun-taon sa kapistahan ng “Bagong Taon” sa Babilonya, waring sa Sippar siya karaniwang tumatahan. Ipinakikita ng pagsasaliksik salig sa pag-aaral ng mga tekstong cuneiform na waring pinasimulan lamang gamitin ni Cambyses ang titulong “Hari ng Babilonya” noong Nisan 1 ng taóng 530 B.C.E., anupat ginawa siyang kasamang-tagapamahala ni Ciro, na noon ay naghahandang humayo sa kampanya militar na naging dahilan ng kaniyang kamatayan. Ang mga pagsisikap na ituring na iisang indibiduwal lamang si Dario at ang anak ni Ciro na si Cambyses II ay hindi kasuwato ng edad ni Dario na “mga animnapu’t dalawang taóng gulang” noong panahong bumagsak ang Babilonya.​—Dan 5:31.

  • Dario
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Kasuwato ng mga nabanggit, ipinapalagay ng ilang iskolar na si Dario na Medo ay isang kinatawang pinuno na namahala sa kaharian ng mga Caldeo bilang isa na nakabababa kay Ciro, ang kataas-taasang monarka ng Imperyo ng Persia. Ganito ang komento ni A. T. Olmstead: “Sa pakikitungo niya sa kaniyang mga sakop na Babilonyo, si Ciro ang ‘hari ng Babilonya, hari ng mga lupain.’ Kaya sa kaniyang paggigiit na ang sinaunang linya ng mga monarka ay nanatiling walang patid, kiniliti niya ang kanilang kapalaluan, kinuha niya ang kanilang pagkamatapat . . . Ngunit si Gobryas na satrapa ang kumakatawan sa maharlikang awtoridad pagkaalis ng hari.” (History of the Persian Empire, p. 71) Ayon sa mga naniniwala na ang Dario ng Bibliya ay isa ngang bise-tagapamahala, ang mga kasulatan na nagsasabing si Dario ay ‘tumanggap ng kaharian’ at “ginawang hari sa kaharian ng mga Caldeo” ang nagpapatunay na siya ay talagang nakabababa sa isang monarka.​—Dan 5:31; 9:1; ihambing ang 7:27, kung saan sinasabing ibinigay ng “Kadaki-dakilaan,” ng Diyos na Jehova, sa “mga banal” ang Kaharian.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share