Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Pitumpung Sanlinggo
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Itiniwangwang ang lunsod at ang dakong banal. Pagkatapos ng 70 “sanlinggo,” bilang tuwirang resulta ng pagtatakwil ng mga Judio kay Kristo noong panahon ng ika-70 “sanlinggo,” natupad ang mga pangyayari sa huling mga bahagi ng Daniel 9:26 at 27. Iniuulat ng kasaysayan na si Tito na anak ni Emperador Vespasian ng Roma ang lider ng mga hukbong Romano na dumating noon laban sa Jerusalem. Gaya ng baha, aktuwal na pinasok ng mga hukbong iyon ang Jerusalem at ang mismong templo at itiniwangwang ang lunsod at ang templo nito. Dahil sa pagtayong iyon ng mga hukbong pagano sa dakong banal, sila ay naging “kasuklam-suklam na bagay.” (Mat 24:15) Bago ang kawakasan ng Jerusalem, nabigo ang lahat ng pagsisikap na payapain ang situwasyon sapagkat gaya nga ng itinalaga ng Diyos: “Ang naipasiya ay mga pagkatiwangwang,” at “hanggang sa paglipol, ang mismong bagay na naipasiya ay mabubuhos din sa isa na nakatiwangwang.”

  • Pitumpung Sanlinggo
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Hinggil sa Daniel 9:26 (Le), na kababasahan sa isang bahagi nito, “At pagkatapos ng animnapu at dalawang sanlinggo ay kikitlin ang isang pinahiran nang walang kahalili na susunod sa kaniya,” ikinakapit ng mga Judiong komentarista ang 62 sanlinggo sa isang yugto na hanggang sa panahong Macabeo, at ang terminong “pinahiran” naman kay Haring Agripa II, na nabuhay sa panahon ng pagkawasak ng Jerusalem noong 70 C.E. Sinasabi naman ng ilan na ang pinahiran ay isang mataas na saserdote, si Onias, na pinatalsik ni Antiochus Epiphanes sa puwesto noong 175 B.C.E. Kung ikakapit nila ang hula sa alinman sa mga taong ito, mawawalan ng tunay na kahalagahan o kahulugan ang hula, at dahil sa di-pagkakasuwato ng mga petsa, ang 62 sanlinggo ay hindi na magiging tumpak bilang makahulang yugto ng panahon.​—Tingnan ang Soncino Books of the Bible (komentaryo sa Dan 9:25, 26), inedit ni A. Cohen, London, 1951.

      Sa pagsisikap na ipangatuwiran ang kanilang pangmalas, sinasabi ng mga Judiong iskolar na iyon na ang “pitong sanlinggo” ay hindi 7 na pinarami ng 7, o 49 na taon, kundi 70 taon; gayunman, tinutuos nila ang 62 sanlinggo bilang 62 taon na pinarami ng 7. Inaangkin nila na ang “pitong sanlinggo” ay tumutukoy sa yugto ng pagkatapon sa Babilonya. Ipinapalagay nila na si Ciro o si Zerubabel o ang mataas na saserdoteng si Jesua ang “pinahiran” sa talatang iyon (Dan 9:25), anupat ibang tao naman ang “pinahiran” sa Daniel 9:26.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share