-
OseasKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Gayunpaman, lumilitaw na pinag-ukulan ni Oseas ng malaking importansiya ang mga hari ng Juda, anupat binanggit ang apat na naghari roon noong panahon ng kaniyang ministeryo, samantalang itinala lamang ang isa na namamahala sa Israel nang simulan niya ang kaniyang gawain. (Os 1:1) Ngunit sa halip na maging pahiwatig ito na ang propeta ay nagmula o ipinanganak sa Juda, maaaring ipinakikita nito na, tulad ng iba pang mga propeta ng Diyos, itinuring ni Oseas na tanging ang mga Judeanong hari sa pamilya ni David ang lehitimong mga tagapamahala sa bayan ng Diyos at na ang hilagang kaharian ng Israel ay isang malawakang relihiyoso at sibil na apostasya laban kay Jehova. Sabihin pa, ang pagtatalang ito ng mga tagapamahala sa dalawang kaharian ay nakatulong upang mas tumpak na matukoy ang petsa ng makahulang gawain ni Oseas.
-
-
Oseas, Aklat ngKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Panahon at Lugar ng Pagsulat. Nagsimulang maglingkod si Oseas bilang propeta noong panahong magkasabay na nagpupuno ang Judeanong si Haring Uzias (829-778 B.C.E.) at si Haring Jeroboam II ng Israel (mga 844-804 B.C.E.), at sa gayon ay hindi lalampas sa 804 B.C.E., kung kailan maliwanag na nagwakas ang paghahari ni Jeroboam. (Os 1:1) Ang ministeryo ng panghuhula ni Oseas ay nagpatuloy hanggang sa pamamahala ni Haring Hezekias ng Juda, na ang paghahari ay nagsimula noong mga 745 B.C.E. Samakatuwid, umabot ito nang di-kukulangin sa 59 na taon, bagaman walang alinlangang sumaklaw ito ng ilang panahon sa mga paghahari nina Jeroboam II at Hezekias, sa gayo’y mas mahaba pa nang kaunti.
-