-
Bet-ezelKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
BET-EZEL
Isang bayan, maliwanag na nasa Juda, na binanggit sa hula ni Mikas tungkol sa kapahamakang nakatakdang sumapit sa di-tapat na Samaria at Jerusalem. (Mik 1:11) Sa bahaging ito ng hula, paulit-ulit na gumamit ang propeta ng mga salitang katunog ng mga pangalan ng ilang bayan, anupat sa aktuwal ay sinasabi niya: “Sa bahay ng Apra [malamang na nangangahulugang “Alabok”] ay gumumon ka sa mismong alabok. Magdaan ka na nasa kahiya-hiyang kahubaran, O babaing tumatahan sa Sapir [nangangahulugang “Elegante; Pinakinis; Kaayaaya”]. Ang babaing tumatahan sa Zaanan ay hindi lumabas. Kukunin sa inyo ng paghagulhol ng Bet-ezel [nangangahulugang “Bahay sa Malapit (sa Tabi)”] ang kinatatayuan nito.
-
-
Bet-ezelKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Bagaman hindi tiyak, ang Bet-ezel ay ipinapalagay na nasa lokasyon ng makabagong-panahong Deir el-ʽAsal, mga 16 na km (10 mi) sa KTK ng Hebron.
-