-
HudasKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
3. Isa sa 12 apostol, tinatawag ding Tadeo at “Hudas na anak ni Santiago.” Sa mga talaan ng mga apostol sa Mateo 10:3 at Marcos 3:18, si Santiago na anak ni Alfeo at si Tadeo ay pinag-uugnay. Sa mga talaan naman sa Lucas 6:16 at Gawa 1:13 ay hindi kabilang si Tadeo; sa halip ang masusumpungan natin ay si “Hudas na anak ni Santiago,” anupat umaakay sa konklusyon na ang Tadeo ay isa pang pangalan ng apostol na si Hudas. Maaaring ang isang dahilan kung bakit ginagamit ang pangalang Tadeo paminsan-minsan ay upang hindi mapagpalit ang dalawang apostol na nagngangalang Hudas.
-
-
HudasKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Sa Mateo 10:3 ng King James Version, isiningit ang “Lebeo, na ang huling pangalan ay” sa unahan ng “Tadeo.” Ito ay salig sa Received Text, ngunit hindi ito matatagpuan sa teksto nina Westcott at Hort, sapagkat wala ito sa mga manuskrito na gaya ng manuskritong Sinaitic.
-