-
HerodesKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Ngunit sa isa sa mga paglalakbay niya patungong Roma, dinalaw ni Antipas ang kaniyang kapatid sa ama na si Herodes Felipe, ang anak nina Herodes na Dakila at Mariamne II (hindi si Felipe na tetrarka). Noong pagdalaw na iyon, nagkagusto siya sa asawa ni Felipe na si Herodias, na ambisyosa sa posisyon. Isinama niya ito sa Galilea at kinuha bilang asawa, anupat diniborsiyo ang anak ni Aretas at pinauwi iyon sa tahanan nito.
-
-
HerodesKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Ang mapangalunyang kaugnayan ni Herodes Antipas kay Herodias ang naging dahilan ng pagsaway sa kaniya ni Juan na Tagapagbautismo. Angkop lamang na ituwid ni Juan si Antipas sa bagay na ito, sapagkat si Antipas ay nag-aangking isang Judio at sa gayo’y nasa ilalim ng Kautusan.
-