Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Asin
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Makasagisag na Paggamit. Sa Bibliya, madalas gamitin ang asin sa makasagisag na paraan. Sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad: “Kayo ang asin ng lupa,” anupat sila’y may impluwensiya sa iba na tulad ng preserbatibo upang hadlangan ang espirituwal at moral na kabulukan. Maiingatan ng dala nilang mabuting balita ang buhay ng iba. Gayunman, sinabi rin niya sa kanila: “Ngunit kung maiwala ng asin ang bisa nito, paano maisasauli ang alat nito? Hindi na ito magagamit pa sa anumang bagay kundi itatapon sa labas upang mayurakan ng mga tao.” (Mat 5:13; Mar 9:50; Luc 14:34, 35) Ganito ang sabi ng isang komentarista sa Bibliya hinggil sa Mateo 5:13: “Ang asin na ginagamit sa bansang ito [Estados Unidos] ay isang kemikal na compound​—muriate of soda​—at kung mawala ang alat nito, o kung maiwala nito ang kaniyang lasa, wala nang matitira pa. Kalakip ito sa mismong kalikasan ng substansiyang iyon. Gayunman, sa mga bansa sa silangan, marumi ang asin na ginagamit, anupat may halong mga materya ng mga halaman at lupa; kaya naman maaari nitong maiwala ang lahat ng alat nito, at halos puro materya ng lupa ang matitira. Wala na itong silbi, maliban sa gamitin ito, gaya ng sinabi, bilang panambak sa mga landas, o mga daanan, gaya ng ginagawa natin sa graba. Karaniwan pa rin sa bansang iyon ang ganitong uri ng asin. Matatagpuan ito sa mga deposito o mga suson sa ilalim ng lupa, at kapag ito’y naarawan o naulanan, tuluyan itong nawawalan ng alat.”​—Barnes’ Notes on the New Testament, 1974.

  • Asin
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Pagkatapos nito, ginamit naman ni Jesus ang terminong iyon sa naiibang diwa anupat sinabi niya: “Magkaroon kayo ng asin sa inyong sarili, at panatilihin ang kapayapaan sa isa’t isa.” (Mar 9:50) Ginamit din ito ng apostol na si Pablo sa katulad na paraan, sa pagsasabing: “Ang inyong pananalita nawa ay laging may kagandahang-loob, na tinimplahan ng asin, upang malaman kung paano kayo dapat magbigay ng sagot sa bawat isa.” (Col 4:6) Ang paggawi at pananalita ng isa ay dapat na laging kalugud-lugod, makonsiderasyon, mabuti, at tumutulong upang maingatan ang buhay ng iba.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share