Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Juda
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Nakahihigit sa Kaniyang mga Kapatid. Dahil sa pagkabahala niya sa kaniyang matanda nang ama at sa kaniyang kapuri-puring pagsisikap na maingatan ang kalayaan ni Benjamin kapalit ng sa kaniya, pinatunayan ni Juda na nakahihigit siya sa kaniyang mga kapatid. (1Cr 5:2) Hindi na siya ang Juda na nakibahagi noong kaniyang kabataan sa pandarambong sa mga Sikemita at nakipagsabuwatan laban sa kaniyang kapatid sa ama na si Jose at pagkatapos ay nanlinlang sa kaniya mismong ama. Ang kaniyang maiinam na katangian sa pangunguna ang nagpaging karapat-dapat kay Juda, bilang isa sa mga ulo ng 12 tribo ng Israel, na tumanggap ng nakahihigit na makahulang pagpapala mula sa kaniyang ama noong mamamatay na ito. (Gen 49:8-12) Ang katuparan nito ay tinatalakay sa sumusunod na mga parapo.

  • Juda
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Maagang Patotoo ng Kaniyang Pangunguna. Ayon sa makahulang pagpapala ni Jacob, isang prominenteng papel ang gagampanan ni Juda (Gen 49:8; ihambing ang 1Cr 5:2), at ang katuparan nito ay ipinakikita maging ng maagang kasaysayan ng kaniyang tribo. Sa ilalim ng pangunguna ng pinuno nito na si Nason, pinangunahan ng Juda ang paghayo sa ilang. (Bil 2:3-9; 10:12-14) Nagmula rin sa tribong ito si Caleb, ang isa sa dalawang tapat na tiktik na nagkapribilehiyong muling makapasok sa Lupang Pangako. Bagaman matanda na siya, si Caleb ay aktibong nakibahagi sa pagsakop sa lupaing itinakda sa Juda. Ang tribo mismo ang inatasan ng Diyos na manguna sa pakikipaglaban sa mga Canaanita, at gayon nga ang ginawa nito kasama ng mga Simeonita. (Bil 13:6, 30; 14:6-10, 38; Jos 14:6-14; 15:13-20; Huk 1:1-20; ihambing ang Deu 33:7.) Nang maglaon, salig muli sa pahintulot ng Diyos, pinangunahan ng Juda ang aksiyong militar na nilayong maglapat ng parusa sa Benjamin.​—Huk 20:18.

  • Juda
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Natupad kay David ang Pagpapala ni Jacob. Sa wakas ay dumating ang takdang panahon ng Diyos upang ilipat ang maharlikang kapangyarihan mula sa tribo ni Benjamin tungo sa tribo ni Juda. Sa Hebron, pagkamatay ni Saul, pinahiran ng mga lalaki ng Juda si David bilang hari. Ngunit ang iba pang mga tribo ay nanatili sa panig ng sambahayan ni Saul at ginawa nilang hari sa kanila ang anak nito na si Is-boset. Paulit-ulit na naglabanan ang dalawang kahariang ito hanggang sa ang pinakamalakas na tagasuporta ni Is-boset, si Abner, ay lumipat sa panig ni David. Di-nagtagal ay napaslang si Is-boset.​—2Sa 2:1-4, 8, 9; 3:1–4:12.

      Nang makamit na ni David ang paghahari sa buong Israel, pinuri ng ‘mga anak ni Jacob,’ samakatuwid nga, ng lahat ng tribo ng Israel, ang Juda at nagpatirapa sila sa kinatawan nito bilang tagapamahala. Dahil dito, nakakilos din si David laban sa Jerusalem bagaman ito ay nasa teritoryo ng Benjamin at, pagkatapos niyang mabihag ang moog ng Sion, ginawa niya itong kaniyang kabisera. Sa kalakhang bahagi ay kapuri-puri ang naging paggawi ni David. Kaya sa pamamagitan niya, ang tribo ni Juda ay pinuri dahil sa mga katangiang gaya ng katarungan at katuwiran, at dahil din sa mga serbisyo nito sa bansa, kasama na ang pagpapanatili ng katiwasayan ng bansa, gaya ng inihula ni Jacob sa kaniyang pagpapala nang mamamatay na siya. Tunay na pumatong ang kamay ng Juda sa batok ng mga kaaway nito habang sinusupil ni David ang mga Filisteo (na dalawang beses na nagtangkang ibagsak siya bilang hari sa Sion), gayundin ang mga Moabita, mga Siryano, mga Edomita, mga Amalekita, at mga Ammonita. Kaya sa ilalim ng pamamahala ni David, sa wakas ay umabot ang mga hangganan ng Israel hanggang sa mga dakong itinakda ng Diyos.​—Gen 49:8-12; 2Sa 5:1-10, 17-25; 8:1-15; 12:29-31.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share