-
PedroKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Ang apostol na ito ni Jesu-Kristo ay may limang katawagan sa Kasulatan: ang Hebreong “Symeon,” ang Griegong “Simon” (mula sa salitang-ugat na Heb. na nangangahulugang “makinig; pakinggan”), “Pedro” (isang pangalang Gr. na siya lamang ang nagtataglay sa Kasulatan), ang Semitikong katumbas nito na “Cefas” (marahil ay kaugnay ng Heb. na ke·phimʹ [mga bato] na ginamit sa Job 30:6; Jer 4:29), at ang kombinasyong “Simon Pedro.”—Gaw 15:14; Mat 10:2; 16:16; Ju 1:42.
-
-
PedroKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Si Pedro ang isa sa mga unang alagad ni Jesus, anupat dinala siya kay Jesus ni Andres, na isang alagad ni Juan na Tagapagbautismo. (Ju 1:35-42) Noong panahong iyon ibinigay ni Jesus sa kaniya ang pangalang Cefas (Pedro) (Ju 1:42; Mar 3:16), na malamang ay makahula. Kung paanong may kakayahan si Jesus na makilalang si Natanael ay isang lalaking “sa kaniya ay walang panlilinlang,” may kakayahan din siyang makilala ang pagkatao ni Pedro. At totoo naman, nagpamalas si Pedro ng tulad-batong mga katangian, lalo na pagkatapos ng kamatayan at pagkabuhay-muli ni Jesus, anupat naging isang impluwensiyang nakapagpapatibay sa kaniyang mga kapuwa Kristiyano.—Ju 1:47, 48; 2:25; Luc 22:32.
-