Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Makapangyarihan-sa-Lahat
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • MAKAPANGYARIHAN-SA-LAHAT

      Ang salitang “Makapangyarihan-sa-lahat” ay isinalin mula sa salitang Hebreo na Shad·daiʹ at sa salitang Griego na Pan·to·kraʹtor. Ang dalawang salitang ito ay maliwanag na nagtatawid ng ideya ng lakas o kapangyarihan.

      Ang Terminong Hebreo. Sa tekstong Hebreo, ang Shad·daiʹ ay pitong ulit na ginamit kasama ng ʼEl (Diyos), na bumubuo sa titulong “Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat.” (Gen 17:1; 28:3; 35:11; 43:14; 48:3; Exo 6:3;

  • Makapangyarihan-sa-Lahat
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Ginamit ni Jehova ang titulong “Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat” (ʼEl Shad·daiʹ) noong mangako siya kay Abraham may kinalaman sa kapanganakan ni Isaac, isang pangako na doo’y nangailangan si Abraham ng malaking pananampalataya sa kapangyarihan ng Diyos na tuparin ang pangakong iyon. Pagkatapos niyaon ay ginamit ito nang tukuyin ang Diyos bilang ang tagapagpala nina Isaac at Jacob na mga tagapagmana ng tipang Abrahamiko.​—Gen 17:1; 28:3; 35:11; 48:3.

      Kasuwato nito, nang maglaon ay nasabi ni Jehova kay Moises: “Nagpakita ako noon kay Abraham, kay Isaac at kay Jacob bilang Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat [beʼElʹ Shad·daiʹ], ngunit may kinalaman sa aking pangalang Jehova ay hindi ako nagpakilala sa kanila.” (Exo 6:3) Hindi ito maaaring mangahulugan na hindi alam ng mga patriyarkang ito ang pangalang Jehova, yamang malimit nila itong gamitin at maging ng mga iba pa na nauna sa kanila. (Gen 4:1, 26; 14:22; 27:27; 28:16) Sa katunayan, sa aklat ng Genesis, na naglalahad ng buhay ng mga patriyarka, ang salitang “Makapangyarihan-sa-lahat” ay lumilitaw lamang nang 6 na ulit, samantalang ang personal na pangalang Jehova ay masusumpungan nang 172 ulit sa orihinal na tekstong Hebreo. Gayunman, bagaman naunawaan ng mga patriyarkang ito, sa pamamagitan ng personal na karanasan, ang karapatan at mga kuwalipikasyon ng Diyos para sa titulong “Makapangyarihan-sa-lahat,” hindi pa sila nagkaroon ng pagkakataong maunawaan ang lubos na kahulugan at mga implikasyon ng kaniyang personal na pangalang Jehova. Hinggil dito, ang The Illustrated Bible Dictionary (Tomo 1, p. 572) ay nagsabi: “Ang naunang pagsisiwalat, sa mga Patriyarka, ay may kinalaman sa mga pangako ukol sa malayong hinaharap; ipinahihiwatig nito na makatitiyak sila na Siya, si Yahweh, ay isang Diyos (ʼel) na may kakayahan (isang posibleng kahulugan ng sadday) na tuparin ang mga iyon. Ang pagsisiwalat sa lugar ng palumpong ay nakahihigit at mas personal, anupat ang kapangyarihan ng Diyos at ang kaniyang kagyat at namamalaging presensiya sa gitna nila ay lubusang nakapaloob sa pamilyar na pangalang Yahweh.”​—Inedit ni J. D. Douglas, 1980.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share