-
JokebedKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Ayon sa tekstong Masoretiko, si Jokebed ay kapatid na babae ng ama ni Amram na si Kohat; kung gayon nga, napangasawa ni Amram ang kaniyang tiya, na hindi labag sa kautusan nang panahong iyon. (Exo 6:18, 20) Gayunman, naniniwala ang ilang iskolar na si Jokebed ay pinsan ni Amram sa halip na kaniyang tiya, sapagkat gayon ang mababasa sa Griegong Septuagint, na siya ring ideyang itinatawid sa Syriac na Peshitta at sa mga tradisyong Judio. Halimbawa, ang Exodo 6:20 ay kababasahan: “si Jokabed na anak na babae ng kapatid ng kaniyang ama.” (LXX, Bagster) “Kinuha ni Amram ang anak na babae ng kaniyang tiyo na si Jokhaber.” (La) “Nang mag-asawa si Amram, kinuha niya ang kaniyang pinsan na si Jokabad.” (Fn) “Napangasawa ni Amram ang isa niyang kamag-anak na babae na tinatawag na Jokabed.” (Kx) Isang talababa ni Rotherham sa pananalitang “kapatid na babae ng kaniyang ama” ang nagsasabi: “Malamang na isa lamang babaing miyembro ng pamilya ng kaniyang ama.” Sinabi ni Thomas Scott sa kaniyang Explanatory Notes (1832): “Ayon sa Septuagint at sa mga tradisyong Judio, si Jokebed ay pinsan, hindi tiya ni Amram.” “Ipinapalagay ng pinakamahuhusay na kritiko na si Jokebed ay pinsang buo ni Amram, at hindi kaniyang tiya.” (Commentary ni Clarke)
-
-
JokebedKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Sa kabilang dako, kung ang tekstong Masoretiko ay tama sa Exodo 6:20, si Jokebed ay tiya ni Amram at hindi kaniyang pinsan. Kung ipapalagay na si Levi ang ama ni Jokebed, malamang na ang kaniyang ina ay mas bata kaysa sa ina ni Kohat. Kung gayon nga, si Jokebed, bagaman kapatid lamang sa ama ni Kohat, ay tiya ni Amram.
-