Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Pag-ibig
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Nang sumulat ang apostol na si Pablo hinggil sa paksang ito, idiniin muna niya kung gaano ito kahalaga sa isang mananampalatayang Kristiyano at pagkatapos ay dinetalye niya kung paano ito gumagawi nang walang pag-iimbot: “Ang pag-ibig ay may mahabang pagtitiis at mabait. Ang pag-ibig ay hindi mapanibughuin, ito ay hindi nagyayabang, hindi nagmamalaki, hindi gumagawi nang hindi disente, hindi naghahanap ng sarili nitong kapakanan, hindi napupukaw sa galit.

  • Pag-ibig
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • 1Co 13:4

  • Pag-ibig
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • “Ang pag-ibig ay may mahabang pagtitiis at mabait.” Tinitiis nito ang di-kaayaayang mga kalagayan at ang maling mga pagkilos ng iba, anupat ginagawa iyon nang may layunin, samakatuwid nga, upang itaguyod ang kaligtasan sa bandang huli niyaong mga gumagawa ng mali o niyaong mga kasangkot sa mga kalagayang iyon, at gayundin upang ipagbangong-puri, sa katapus-tapusan, ang soberanya ni Jehova. (2Pe 3:15) Ang pag-ibig ay mabait, anumang kalagayang nakapupukaw ng galit ang bumangon. Ang kagaspangan o kabagsikan sa bahagi ng isang Kristiyano sa kaniyang pakikitungo sa iba ay hindi magdudulot ng anumang kabutihan. Gayunpaman, ang pag-ibig ay maaari ring maging matatag at kumilos nang may katarungan alang-alang sa katuwiran. Maaaring disiplinahin niyaong mga may awtoridad ang mga manggagawa ng kamalian, ngunit dapat pa rin silang magpakita ng kabaitan. Ang hindi pagpapamalas ng kabaitan ay hindi magiging kapaki-pakinabang kapuwa sa di-mabait na tagapayo at sa isa na gumagawa ng kalikuan, kundi sa halip, baka pa nga ang huling nabanggit ay lalong mapalayo sa pagsisisi at matuwid na mga gawa.​—Ro 2:4; Efe 4:32; Tit 3:4, 5.

      “Ang pag-ibig ay hindi mapanibughuin.” Hindi ito naiinggit sa mabubuting bagay na dumarating sa iba. Nagsasaya ito na makitang ang kaniyang kapuwa ay tumatanggap ng posisyong may higit na pananagutan. Hindi ito nayayamot kahit kaaway man niya ang tumatanggap ng mabubuting bagay. Ito ay bukas-palad. Ang Diyos ay nagpapaulan sa matuwid at sa di-matuwid. (Mat 5:45) Ang mga lingkod ng Diyos na may pag-ibig ay kontento sa kanilang kalagayan (1Ti 6:6-8) at sa kanilang dako, kaya naman hindi sila lumalampas sa kanilang hangganan o may-pag-iimbot man nilang hinahangad ang posisyon ng iba. Udyok ng pag-iimbot at pagkainggit, lumampas si Satanas na Diyablo sa kaniyang hangganan, anupat hinangad pa nga niyang sambahin siya ni Jesu-Kristo.​—Luc 4:5-8.

      Ang pag-ibig ay “hindi nagyayabang, hindi nagmamalaki.” Hindi nito hinahangad ang papuri at paghanga ng mga nilalang. (Aw 75:4-7; Jud 16) Hindi pilit na ibinababa ng taong may pag-ibig ang ibang tao upang magtingin siyang mas dakila. Sa halip, dinadakila niya ang Diyos at may-kataimtiman niyang pinasisigla at pinatitibay ang ibang mga tao. (Ro 1:8; Col 1:3-5; 1Te 1:2, 3) Naliligayahan siya na makitang sumusulong ang kaniyang kapuwa Kristiyano. At hindi niya ipinaghahambog ang mga bagay na gagawin niya. (Kaw 27:1; Luc 12:19, 20; San 4:13-16) Natatanto niya na ang lahat ng kaniyang nagagawa ay dahil sa lakas na nanggagaling kay Jehova. (Aw 34:2; 44:8) Sinabi ni Jehova sa Israel: “Ang nagyayabang tungkol sa kaniyang sarili ay magyabang dahil sa mismong bagay na ito, sa pagkakaroon ng kaunawaan at sa pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa akin, na ako ay si Jehova, ang Isa na nagpapakita ng maibiging-kabaitan, katarungan at katuwiran sa lupa; sapagkat ang mga bagay na ito ay kinalulugdan ko.”​—Jer 9:24; 1Co 1:31.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share