Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Pag-alis
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Bagaman ang mga Israelita ay apurahang umalis sa Ehipto, anupat pinagmadali ng mga Ehipsiyo, naging organisado pa rin ang kanilang pag-alis: “Ngunit ang mga anak ni Israel ay nasa hanay ng pakikipagbaka nang umahon mula sa lupain ng Ehipto,” samakatuwid nga, posibleng tulad ng isang hukbo na may limang bahagi, anupat may bantay sa unahan, bantay sa likuran, pangunahing kalipunan, at dalawang pangkat na panggilid.

  • Pag-alis
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Exo 13:18

  • Pag-alis
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Ang pinakamaikling ruta ay sa tuyong lupa na mga 400 km (250 mi) mula sa bandang H ng Memfis hanggang sa Lakis sa Lupang Pangako. Ngunit kapag sa rutang iyon dumaan ang mga Israelita, daraan sila sa baybayin ng Mediteraneo at sa kahabaan ng lupain ng mga Filisteo. Noong mga panahong nagdaan, ang kanilang mga ninuno na sina Abraham at Isaac ay nagkaproblema sa mga Filisteo. Palibhasa’y alam ng Diyos na baka masiraan sila ng loob kung sasalakayin sila ng mga Filisteo, yamang wala silang kabatiran sa pakikidigma at dahil kasama nila ang kanilang mga pamilya at mga kawan, ipinag-utos niya na ang Israel ay bumalik at magkampo sa harap ng Pihahirot sa pagitan ng Migdol at ng dagat sa tapat ng Baal-zepon. Doon ay nagkampo sila sa tabi ng dagat.​—Exo 14:1, 2.

  • Pag-alis
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Ang rutang bumabagtas sa Wadi Tumilat ay pinapaboran din dahil sa popular na makabagong teoriya na ang pagtawid sa Dagat na Pula ay hindi aktuwal na naganap sa Dagat na Pula kundi sa isang lugar sa dakong H nito. Itinataguyod pa nga ng ilang iskolar na ang pagtawid ay naganap sa Lawa ng Serbonis, o malapit dito, na nasa baybayin ng Mediteraneo, anupat pagkalabas mula sa Wadi Tumilat ay lumiko ang mga Israelita sa H sa direksiyon ng baybayin. Ang pangmalas na ito ay tuwirang sumasalungat sa espesipikong pananalita sa Bibliya na inakay ng Diyos ang mga Israelita palayo sa ruta na patungo sa lupain ng mga Filisteo. (Exo 13:17, 18) Pinapaboran din ng iba ang isang ruta na dumaraan sa Wadi Tumilat ngunit sinasabi nila na ang isinagawang pagtawid sa “dagat” ay sa rehiyon ng Bitter Lakes sa H ng Suez.

      Dagat na Pula, hindi ‘dagat ng mga tambo.’ Ang huling pangmalas na ito ay salig sa argumento na ang Hebreong yam-suphʹ (isinaling “Dagat na Pula”) ay literal na nangangahulugang “dagat ng mga hungko, o, mga tambo, mga bulrush,” at samakatuwid ay tumawid ang mga Israelita, hindi sa sanga ng Dagat na Pula na tinatawag na Gulpo ng Suez, kundi sa isang dagat ng mga tambo, isang latiang dako na gaya ng rehiyon ng Bitter Lakes. Gayunman, dahil sa ganitong paniniwala, hindi sila kaisa ng mga tagapagsalin ng sinaunang Griegong Septuagint, na nagsalin sa yam-suphʹ tungo sa pangalang Griego na e·ry·thraʹ thaʹlas·sa, literal na nangangahulugang “Dagat na Pula.” Ngunit ang mas mahalaga, ginamit kapuwa ni Lucas, na manunulat ng Mga Gawa (sa pagsipi kay Esteban), at ng apostol na si Pablo ang mismong pangalang Griegong ito nang inilalahad ang mga pangyayari noong panahon ng Pag-alis.​—Gaw 7:36; Heb 11:29; tingnan ang DAGAT NA PULA.

      Karagdagan pa, hindi kakailanganin ang isang malaking himala kung isang latian lamang ang tinawid, at ang mga Ehipsiyo ay hindi maaaring ‘malulon’ sa Dagat na Pula nang “ang dumadaluyong na tubig ay tumabon sa kanila” anupat lumubog sila “sa kalaliman tulad ng isang bato.” (Heb 11:29; Exo 15:5) Ang kamangha-manghang himalang ito ay hindi lamang tinukoy nina Moises at Josue nang dakong huli kundi sinabi rin ng apostol na si Pablo na ang mga Israelita ay nabautismuhan kay Moises sa pamamagitan ng ulap at ng dagat. Ipinahiwatig nito na lubusan silang napalibutan ng tubig, anupat ang dagat ay nasa magkabilang panig at ang ulap ay nasa ibabaw at likuran nila. (1Co 10:1, 2) Ipahihiwatig din nito na ang tinawid na katubigan ay higit na mas malalim kaysa sa isang katubigang malalakaran.

      Ang ruta ng Pag-alis ay pangunahin nang depende sa dalawang salik: kung nasaan ang kabisera ng Ehipto noong panahong iyon, at kung alin ang katubigan na tinawid. Yamang ginamit ng kinasihang Kristiyanong Griegong Kasulatan ang pananalitang “Dagat na Pula,” lubos tayong makapaniniwala na iyon ang katubigang tinawid ng Israel

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share