-
Araw ng PaghuhukomKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Kung sino ang mga hukom. Sa Hebreong Kasulatan, sinasabing si Jehova ang “Hukom ng buong lupa.” (Gen 18:25) Sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, tinatawag siyang “Hukom ng lahat.” (Heb 12:23) Gayunman, inatasan niya ang kaniyang anak upang humatol para sa kaniya. (Ju 5:22) Sinasabi ng Bibliya na si Jesus ay “inatasan” at “itinalaga” na magsagawa ng paghatol. (Gaw 10:42; 17:31; 2Ti 4:1) Yamang si Jesus ay binigyan ng Diyos ng gayong awtoridad, hindi nagkakasalungatan ang teksto na nagsasabing ang mga indibiduwal ay “tatayo sa harap ng luklukan ng paghatol ng Diyos” at ang talata na nagsasabing sila’y ‘mahahayag sa harap ng luklukan ng paghatol ng Kristo.’—Ro 14:10; 2Co 5:10.
-
-
Araw ng PaghuhukomKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Ipinakikita rin ng 2 Corinto 5:10 na may hatol na kaayaaya. Tungkol sa mga mahahayag sa harap ng luklukan ng paghatol, sinasabi ng talatang iyon: “[Makakamit] ng bawat isa ang kaniyang gantimpala . . . ayon sa mga bagay na isinagawa niya, ito man ay mabuti o buktot.”
-