Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Soberanya
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Kung tungkol kay Eva, ang taong unang nilapitan, walang alinlangang hindi niya pinahalagahan ang kaniyang Maylalang at Diyos, at hindi niya sinamantala ang kaniyang oportunidad na makilala ang Diyos. Nakinig siya sa tinig ng isang nakabababa, sa wari’y ang serpiyente, ngunit sa katunayan ay ang mapaghimagsik na anghel. Hindi ipinahihiwatig ng Bibliya na nagulat si Eva nang marinig niyang magsalita ang serpiyente. Ngunit sinasabi ng ulat na ang serpiyente “ang pinakamaingat sa lahat ng maiilap na hayop sa parang na ginawa ng Diyos na Jehova.” (Gen 3:1) Hindi binabanggit kung kumain ito ng ipinagbabawal na bunga ng “punungkahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama” at pagkatapos ay nagkunwaring naging marunong at nakapagsalita.

  • Soberanya
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Kung gayon, tiyak na ang hamon ay hinggil sa pagiging lehitimo, pagiging nararapat, at pagiging matuwid ng soberanya ng Diyos​—kung ang kaniyang soberanya ay ginagamit niya sa paraan na nararapat, matuwid, at sa ikabubuti ng kaniyang mga sakop, o hindi. Ang isang indikasyon nito ay ang paraan ng paglapit ng Serpiyente kay Eva: “Talaga bang sinabi ng Diyos na huwag kayong kakain mula sa bawat punungkahoy sa hardin?” Dito, ipinahiwatig niya na ang gayong bagay ay hindi makatuwiran​—na ang Diyos ay masyadong mahigpit, anupat nagkakait ng isang bagay na nararapat lang na ibigay sa mag-asawa.​—Gen 3:1.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share