-
Sampung SalitaKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Ang ikasampung utos (Exo 20:17) ay natatangi sapagkat ipinagbawal nito ang kaimbutan, samakatuwid nga, ang maling pagnanasa sa ari-arian at mga pag-aari ng kapuwa, pati na sa asawa nito. Walang mga taong mambabatas ang nagpasimula ng gayong kautusan, sapagkat, ang totoo, hindi ito posibleng maipatupad ng mga tao. Sa kabilang dako naman, sa pamamagitan ng ikasampung utos na ito, ang bawat isa ay tuwirang pinapanagot ni Jehova sa Kaniya bilang ang isa na nakakakita at nakababatid sa lahat ng lihim na kaisipan ng puso ng isang tao.—1Sa 16:7; Kaw 21:2; Jer 17:10.
-
-
Sampung SalitaKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Gayunman, pinagsama ng iba, kabilang na rito si Augustine, ang dalawang kautusan laban sa mga banyagang diyos at mga imahen (Exo 20:3-6; Deu 5:7-10) upang maging isang utos, at pagkatapos, upang magkaroon ng ikasampu, hinati nila sa dalawang utos ang Exodo 20:17 (Deu 5:21), anupat ginawang ikasiyam ang utos laban sa pag-iimbot sa asawa ng isang lalaki, at ikasampu naman ang utos laban sa pag-iimbot sa kaniyang bahay, at iba pa. Sinikap ni Augustine na suportahan ang kaniyang teoretikal na paghahati-hati salig sa mas huli at katulad na pagkakatala ng Dekalogo sa Deuteronomio 5:6-21, kung saan dalawang magkaibang salitang Hebreo ang masusumpungan sa talata 21 (“Ni nanasain [anyo ng Heb. na cha·madhʹ] mo man . . . Ni may-kasakiman mo mang hahangarin [anyo ng Heb. na ʼa·wahʹ]”), sa halip na salig sa mas naunang teksto sa Exodo 20:17, kung saan iisang pandiwa (nasain) ang lumilitaw nang makalawang ulit.
-