Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Santiago
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Ang bagay na ang ‘kapatid ni Jesus’ na ito ang sumulat ng aklat ng Santiago at hindi ang isa sa mga apostol na may gayunding pangalan (alinman sa anak ni Zebedeo o anak ni Alfeo), ay waring ipinahihiwatig sa pasimula ng kaniyang liham. Ipinakikilala roon ng manunulat ang kaniyang sarili bilang “isang alipin ng Diyos at ng Panginoong Jesu-Kristo,” sa halip na bilang isang apostol. Sa katulad na paraan, ipinakilala rin ng kapatid niyang si Hudas (Judas) ang sarili nito bilang “isang alipin ni Jesu-Kristo, ngunit kapatid ni Santiago.” (San 1:1; Jud 1) May-kapakumbabaang iniwasan ng magkapatid na ipakilala ang kanilang sarili bilang mga kapatid sa laman ng Panginoong Jesu-Kristo.

  • Santiago, Liham ni
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • SANTIAGO, LIHAM NI

      Isang kinasihang liham ng Kristiyanong Griegong Kasulatan. Isa ito sa tinatawag na pangkalahatang mga liham sapagkat, tulad ng Una at Ikalawang Pedro, Unang Juan, at Judas (ngunit di-tulad ng karamihan sa mga liham ng apostol na si Pablo), hindi ito patungkol sa isang espesipikong kongregasyon o indibiduwal. Ipinatutungkol ang liham na ito sa “labindalawang tribo na nakapangalat.”​—San 1:1.

      Manunulat. Tinutukoy lamang ng manunulat ang kaniyang sarili na “si Santiago, isang alipin ng Diyos at ng Panginoong Jesu-Kristo.” (San 1:1) Dalawang apostol ni Jesus ang nagngangalang Santiago (Mat 10:2, 3), ngunit malayong mangyari na isa sa kanila ang sumulat ng liham. Ang isang apostol, si Santiago na anak ni Zebedeo, ay pinatay bilang martir noong mga 44 C.E. (Gaw 12:1, 2) Gaya ng ipinakikita ng nilalaman mismo ng liham, napakalayong mangyari na isinulat ito di-nagtagal matapos mabuo ang kongregasyong Kristiyano. (San 1:1) Ang isa pang apostol na Santiago, na anak ni Alfeo, ay hindi prominente sa rekord ng Kasulatan, at kaunting-kaunti lamang ang nalalaman tungkol sa kaniya. Kung isasaalang-alang ang pagkatahasan ng liham ni Santiago, waring hindi si Santiago na anak ni Alfeo ang manunulat, sapagkat kung siya ang sumulat ay malamang na ipakikilala niya ang kaniyang sarili bilang isa sa 12 apostol upang masuportahan ng apostolikong awtoridad ang kaniyang matitinding pananalita.

      Sa halip, ipinakikita ng katibayan na ang manunulat ay si Santiago na kapatid sa ina ni Jesu-Kristo, na maliwanag na pinagpakitaan ng binuhay-muling si Kristo sa isang pantanging pagkakataon at prominente rin sa gitna ng mga alagad. (Mat 13:55; Gaw 21:15-25; 1Co 15:7; Gal 2:9) Sa liham ni Santiago, tinukoy ng manunulat ang kaniyang sarili bilang “isang alipin ng Diyos at ng Panginoong Jesu-Kristo,” kagayang-kagaya rin ng ginawa ni Judas, na sa pambungad ng kaniyang liham ay nagpakilala bilang “isang alipin ni Jesu-Kristo, ngunit kapatid ni Santiago.” (San 1:1; Jud 1) Karagdagan pa, kalakip sa bating pambungad ng liham ni Santiago ang terminong “Mga pagbati!” na ginamit din sa liham may kinalaman sa pagtutuli na ipinadala sa mga kongregasyon. Sa huling nabanggit na kaso, lumilitaw na ang kapatid sa ina ni Jesus na si Santiago ang prominenteng tagapagsalita noon sa kapulungan ng ‘mga apostol at matatandang lalaki’ sa Jerusalem.​—Gaw 15:13, 22, 23.

  • Santiago, Liham ni
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Kung Sino ang Sinulatan. Isinulat ni Santiago ang liham para sa “labindalawang tribo na nakapangalat,” sa literal, “(mga) nasa pangangalat.” (San 1:1, tlb sa Rbi8) Dito ay kinakausap niya ang kaniyang espirituwal na “mga kapatid,” yaong mga nanghahawakan sa “pananampalataya sa ating Panginoong Jesu-Kristo,” pangunahin na yaong mga naninirahan sa labas ng Palestina. (1:2; 2:1, 7; 5:7) Ang karamihan ng argumento ni Santiago ay ibinatay niya sa Hebreong Kasulatan, ngunit hindi ito nagpapatunay na ang kaniyang liham ay para lamang sa mga Judiong Kristiyano, kung paanong sa makabagong panahon, ang pagiging pamilyar ng isang tao sa Hebreong Kasulatan ay hindi nagpapatunay na nagmula siya sa angkang Judio. Ang pagtukoy niya kay Abraham bilang “ating ama” (2:21) ay kasuwato ng mga salita ni Pablo sa Galacia 3:28, 29, kung saan ipinakita ni Pablo na ang pagiging kabilang ng isa sa tunay na binhi ni Abraham ay hindi nakadepende sa kung ang isa ay Judio o Griego. Samakatuwid, tiyak na ang pinatutungkulang “labindalawang tribo” ay ang espirituwal na “Israel ng Diyos”.​—Gal 6:15, 16.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share