Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Kerubin
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Kasama sa mga dekorasyon ng tabernakulong itinayo sa ilang ang mga disenyong kerubin. Dalawang kerubin na yari sa pinukpok na ginto ang nasa ibabaw ng magkabilang dulo ng takip ng Kaban. Ang mga ito ay magkaharap at nakayukod sa takip at parang sumasamba. Bawat isa ay may dalawang pakpak na nakaunat nang paitaas at nakalilim sa takip na para bang binabantayan at pinoprotektahan ito. (Exo 25:10-21; 37:7-9)

  • Kerubin
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Di-tulad ng paniwala ng ilan, ang mga disenyong kerubin na ito ay hindi nakatatakot na mga pigurang kinopya sa dambuhalang may-pakpak na mga imaheng sinasamba noon ng mga bansang pagano. Ayon sa sinaunang tradisyong Judio (walang sinasabi ang Bibliya tungkol dito), ang mga kerubing ito ay may anyong tao. Ang mga ito’y mahuhusay na mga likhang-sining, na naglalarawan sa mga anghelikong nilalang na may maluwalhating kagandahan, at ang bawat detalye ng mga ito ay ginawa “ayon sa . . . parisan” na tinanggap ni Moises mula kay Jehova mismo. (Exo 25:9) Inilalarawan ng apostol na si Pablo ang mga ito bilang “maluwalhating mga kerubin na lumililim sa panakip na pampalubag-loob.” (Heb 9:5) Ang mga kerubing ito’y iniugnay sa presensiya ni Jehova: “At doon ako haharap sa iyo at magsasalita ako sa iyo mula sa ibabaw ng takip, mula sa pagitan ng dalawang kerubin na nasa ibabaw ng kaban ng patotoo.” (Exo 25:22; Bil 7:89) Kaya naman sinasabing si Jehova ay “nakaupo sa [o, sa pagitan ng] mga kerubin.” (1Sa 4:4; 2Sa 6:2; 2Ha 19:15; 1Cr 13:6; Aw 80:1; 99:1; Isa 37:16) Sa makasagisag na paraan, ang mga kerubin ay nagsilbing “kawangis ng karo” na sinasakyan ni Jehova (1Cr 28:18), at ang mga pakpak ng mga kerubin ay naglalaan ng proteksiyon at mabilis na paglalakbay. Kaya naman, sa matulaing awit, inilarawan ni David kung gaano kabilis siya sinaklolohan ni Jehova, na gaya ng isa na ‘dumating na nakasakay sa isang kerubin at dumating na lumilipad’ at “nasa mga pakpak ng isang espiritu.”​—2Sa 22:11; Aw 18:10.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share