Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Urim at Tumim
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Pinaggamitan. Kapansin-pansin na ang Urim at ang Tumim ay dapat ilagay sa tapat ng puso ni Aaron kapag pumaparoon siya “sa harap ni Jehova.” Walang alinlangang tumutukoy ito sa pagtayo ni Aaron sa dakong Banal sa harap ng kurtinang patungo sa Kabanal-banalang silid kapag sumasangguni siya kay Jehova. Ang lokasyon ng Urim at ng Tumim, “sa tapat ng puso ni Aaron,” ay waring nagpapahiwatig na nakalagay ang mga ito sa tupi, o lukbutan, na nalikha nang itiklop ang pektoral. Ang mga ito ay para sa “mga kahatulan sa mga anak ni Israel” at ginagamit kapag ang mga lider ng bansa ay may mahalagang tanong na nangangailangan ng sagot mula kay Jehova at makaaapekto sa bansa. Si Jehova, na Tagapagbigay-Kautusan ng Israel, ay nagbibigay ng sagot sa mataas na saserdote hinggil sa tamang pagkilos na dapat gawin.​—Exo 28:30.

  • Urim at Tumim
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Maraming komentarista sa Bibliya ang naniniwala na ang Urim at ang Tumim ay mga palabunot. Sa salin ni James Moffatt sa Exodo 28:30, ang mga ito ay tinawag na “mga sagradong palabunot.” Ipinapalagay ng ilan na tatlong piraso ang mga ito, anupat ang isa ay may sulat na salitang “oo,” ang isa naman ay “hindi,” at ang isa pa ay blangko. Pinagpapalabunutan ang mga ito, at sa gayo’y nasasagot ang katanungan, maliban na lamang kapag ang blangkong piraso ang nabunot, na nangangahulugang walang sagot na maaasahan. Ipinapalagay ng iba na ang Urim at ang Tumim ay dalawang lapád na bato, na ang isang panig ay puti at ang kabila naman ay itim. Kapag inihagis ang mga ito at dalawang puti ang lumabas, mangangahulugan iyon ng “oo,” kapag dalawang itim ay “hindi,” at ang isang itim at isang puti ay mangangahulugan naman na walang sagot.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share