Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Jehova
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Ang unang hula ni Jehova (Gen 3:15), na binanggit noong panahong bigkasin ang hatol sa Eden, ay nagpakitang ang paghihimagsik ng kaniyang unang mga anak na tao (pati ng isa sa kaniyang mga espiritung anak) ay hindi naging dahilan upang maghinanakit si Jehova ni pinutol man nito ang daloy ng kaniyang pag-ibig. Sa makasagisag na mga termino, ipinakita ng hulang iyon na itutuwid ang situwasyong nilikha ng paghihimagsik at isasauli ang mga kalagayan sa orihinal na kasakdalan ng mga ito, anupat ang lubos na kahulugan nito ay isiniwalat pagkaraan pa ng ilang milenyo.​—Ihambing ang mga sagisag ng “serpiyente,” “babae,” at “binhi” sa Apo 12:9, 17; Gal 3:16, 29; 4:26, 27.

  • Jehova
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Ang sinabi ni Jehova sa Eden na maglalagay siya ng alitan sa pagitan ng binhi ng kaniyang Kalaban at ng binhi ng “babae” ay hindi nangangahulugang nagbago Siya mula sa pagiging ‘Diyos ng kapayapaan.’ (Gen 3:15; Ro 16:20; 1Co 14:33) Ang situwasyon noon ay katulad noong panahong nabubuhay sa lupa ang kaniyang Anak na si Jesu-Kristo, na nagsabi: “Huwag ninyong isipin na pumarito ako upang maglagay ng kapayapaan sa lupa; pumarito ako upang maglagay, hindi ng kapayapaan, kundi ng tabak.” (Mat 10:32-40) Ang ministeryo ni Jesus ay naging dahilan ng mga pagkakabaha-bahagi, kahit sa loob ng mga pamilya (Luc 12:51-53), ngunit ito’y dahil sa panghahawakan niya sa matuwid na mga pamantayan at katotohanan ng Diyos at sa paghahayag niya ng mga ito. Nagkaroon ng pagkakabaha-bahagi sapagkat pinatigas ng maraming indibiduwal ang kanilang puso laban sa mga katotohanang ito samantalang tinanggap naman ng iba ang mga ito. (Ju 8:40, 44-47; 15:22-25; 17:14) Hindi ito maiiwasan kung itataguyod ang banal na mga simulain; ngunit ang dapat sisihin ay ang mga nagtakwil sa kung ano ang tama.

      Gayundin, inihulang magkakaroon ng alitan sapagkat alinsunod sa sakdal na mga pamantayan ni Jehova, hindi maaaring kunsintihin ang mapaghimagsik na landasin ng “binhi” ni Satanas. Ang di-pagsang-ayon ng Diyos sa mga iyon at ang pagpapala niya sa mga nanghahawakan sa matuwid na landasin ay magiging sanhi ng pagkakabaha-bahagi (Ju 15:18-21; San 4:4), gaya sa kaso nina Cain at Abel.​—Gen 4:2-8; Heb 11:4; 1Ju 3:12; Jud 10, 11; tingnan ang CAIN.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share