-
PagtatalagaKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Pagkatapos patayin ang toro, naglagay si Moises ng dugo sa altar at ang natira ay ibinuhos niya sa paanan ng altar, sa gayo’y sumasagisag iyon sa paglilinis mula sa karungisang dulot ng pagkamakasalanan ng mga saserdoteng nanunungkulan sa altar. Maliwanag na ang paglalagay ng dugo sa mga sungay ng altar ay nangangahulugan na ang bisa ng kaayusan sa paghahain ay nasa itinigis na dugo ng hain. (Heb 9:22) Kailangan ding gawin ang pagwiwisik ng dugo sa altar kapag inihahandog ang iba pang mga hain. (Lev 1:5, 11; 3:2; 4:6; 16:18)
-