-
DugoKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Sa Bibliya, ang kaluluwa ay sinasabing nasa dugo sapagkat napakahalaga ng dugo sa mga proseso ng buhay. Sinasabi ng Salita ng Diyos: “Sapagkat ang kaluluwa ng laman ay nasa dugo, at ako mismo ang naglagay niyaon sa ibabaw ng altar upang maipambayad-sala ninyo para sa inyong mga kaluluwa, sapagkat ang dugo ang nagbabayad-sala dahil sa kaluluwa na naroroon.” (Lev 17:11)
-
-
DugoKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Wastong Paggamit sa Dugo. Isa lamang ang paraan ng paggamit sa dugo na sinang-ayunan ng Diyos, at ito ay sa paghahain. Inutusan niya yaong mga nasa ilalim ng Kautusang Mosaiko na maghandog ng mga haing hayop upang magbayad-sala para sa kasalanan. (Lev 17:10, 11)
-
-
DugoKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Sa pagkokomento sa Levitico 17:11, 12, ang Cyclopædia nina M’Clintock at Strong (1882, Tomo I, p. 834) ay nagsasabi: “Ang mahigpit na utos na ito ay hindi lamang kumakapit sa mga Israelita, kundi maging sa mga taga-ibang bayan na naninirahan sa gitna nila. Ang kaparusahang itinakda sa paglabag dito ay ang ‘pagkalipol mula sa bayan,’ na waring tumutukoy sa parusang kamatayan (ihambing ang Heb. x, 28), bagaman mahirap matiyak kung inilapat ito sa pamamagitan ng tabak o sa pamamagitan ng pagbato.”
-