Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Kapistahan ng mga Kubol
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Ang mga Israelita ay dapat gumamit ng “bunga ng magagandang punungkahoy” at mga sanga ng palma, ng mayayabong na punungkahoy, at ng mga alamo. (Lev 23:40) Noong mga araw ni Ezra, ang ginamit sa pagtatayo ng pansamantalang mga silungang ito ay mga dahon ng olibo at ng punong-langis, mirto (na napakabango), at mga dahon ng palma, gayundin ang mga sanga ng iba pang mga punungkahoy. Yamang ang lahat, mayaman at dukha, ay mananahanan sa mga kubol, anupat doon pa nga sila kakain sa loob ng pitong araw, at yamang ang mga kubol ay yari sa magkakatulad na materyales, na kinuha sa mga burol at mga libis ng lupain, idiniriin nito na pantay-pantay ang lahat sa panahon ng kapistahan.​—Ne 8:14-16.

  • Kapistahan ng mga Kubol
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Katangi-tangi ang Kapistahan ng mga Kubol dahil ito ay maligayang panahon ng pasasalamat. Nais ni Jehova na ang kaniyang bayan ay magsaya sa kaniya. “Magsasaya kayo sa harap ni Jehova na inyong Diyos.” (Lev 23:40) Ito ay isang kapistahan ng pasasalamat para sa pagtitipon ng ani​—hindi lamang para sa butil kundi para rin sa langis at sa alak, na nagdaragdag ng kasiyahan sa buhay. Sa panahon ng kapistahang ito, maaaring bulay-bulayin ng mga Israelita sa kanilang puso ang katotohanan na ang kanilang kaunlaran at kasaganaan sa mabubuting bagay ay hindi nagmula sa kanilang sariling kakayahan. Sa halip, ang pangangalaga ni Jehova na kanilang Diyos ang nagdulot sa kanila ng ganitong kasaganaan. Dapat nilang dibdibang pag-isipan ang mga bagay na ito, dahil kung hindi, gaya ng sinabi ni Moises, baka “ang iyong puso ay magmataas nga at makalimutan mo nga si Jehova na iyong Diyos, na naglabas sa iyo mula sa lupain ng Ehipto, mula sa bahay ng mga alipin.” Sinabi rin ni Moises: “At alalahanin mo si Jehova na iyong Diyos, sapagkat siya ang tagapagbigay ng kapangyarihan sa iyo upang gumawa ng yaman; sa layuning tuparin ang kaniyang tipan na isinumpa niya sa iyong mga ninuno, gaya ng sa araw na ito.”​—Deu 8:14, 18.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share