-
Ang Lupaing Ibinigay ng Diyos sa IsraelKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Ang Lupaing Ibinigay ng Diyos sa Israel
ANG lupaing ibinigay ng Diyos sa Israel ay tunay ngang isang mabuting lupain. Nang patiunang magsugo si Moises ng mga tiktik upang galugarin ang Lupang Pangako at kumuha ng mga bunga nito, nag-uwi sila ng mga igos, mga granada, at isang pagkalaki-laking kumpol ng ubas anupat dalawang lalaki ang bumuhat nito sa pamamagitan ng isang pamingga! Bagaman umurong sila sa takot dahil sa kawalan ng pananampalataya, iniulat nila: Ang lupain ay “tunay ngang inaagusan ng gatas at pulot-pukyutan.”—Bil 13:23, 27.
-