-
JokebedKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Nang sabihin sa Bilang 26:59 na si Jokebed ay “anak na babae ni Levi,” maaari itong mangahulugang “apong babae,” gaya ng maraming iba pang dako sa Kasulatan kung saan ang “anak na lalaki” ay ginagamit upang tumukoy sa isang “apong lalaki.” Sa kaniyang salin, si F. Fenton ay nagkomento na ang pananalitang ‘ipinanganak kay Levi’ sa talata ring iyon, “sa idyoma ng wikang Hebreo, ay hindi nangangahulugang kay Levi mismo, kundi isa lamang siyang inapo ng Tribo. Dahil sa haba ng panahon ay imposible na maging anak siya mismo ni Levi.”
-