-
GilinganKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Yamang noon ay karaniwan nang araw-araw ang pagluluto ng tinapay at malimit maggiling ng butil upang maging harina, maawaing ipinagbawal ng kautusan ng Diyos na ibinigay sa Israel ang pag-agaw sa gilingang pangkamay ng isang tao o sa pang-ibabaw na batong panggiling niyaon bilang panagot. Nakadepende sa gilingang pangkamay ang pang-araw-araw na tinapay ng isang pamilya. Kaya naman, ang pag-agaw rito o sa pang-ibabaw na batong panggiling nito ay nangangahulugan ng pag-agaw sa “isang kaluluwa” o “ikabubuhay.”—Deu 24:6, tlb sa Rbi8.
-