-
Bet-sean, Bet-sanKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Ang Bet-sean ay sakop ng mga Filisteo noong panahon ng paghahari ni Haring Saul, at pagkatapos na matalo ng mga Filisteo si Saul sa karatig na Bundok Gilboa, inilagay nila ang kaniyang baluti sa “bahay ng mga imahen ni Astoret” at ang kaniyang ulo naman sa bahay ni Dagon, at ibinitin nila ang mga bangkay ni Saul at ng kaniyang mga anak sa pader ng Bet-san (Bet-sean), maliwanag na sa bandang loob na nakaharap sa liwasan ng lunsod.
-
-
Bet-sean, Bet-sanKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Kaayon ng nabanggit na ulat, natuklasan sa paghuhukay sa Tell el-Husn ang mga guho ng dalawang templo. Ipinapalagay na ang isa sa mga ito ay templo ni Astoret at ang isa naman, na nasa mas dako pang T, ay templo ni Dagon. Ang templo ni Astoret ay tinatayang patuloy na ginamit hanggang noong mga ikasampung siglo B.C.E.
-