-
David, Lunsod niKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
DAVID, LUNSOD NI
Ang pangalang ibinigay sa “moog ng Sion” matapos itong mabihag mula sa mga Jebusita. (2Sa 5:6-9) Ipinapalagay na ang seksiyong ito ay ang tagaytay na patungong T mula sa Bundok Moria. Sa gayon, ito ay nasa T ng lokasyon ng templong itinayo ni Solomon nang dakong huli. Sa ngayon ay isa itong makitid na talampas sa timog na mas mababa kaysa sa Bundok Moria. Ang lugar na ito ay nagsilbing isang malawak na tibagan ng bato, lalo na noong panahong namamahala si Emperador Hadrian at itinatayo ang Romanong lunsod ng Aelia Capitolina noong mga 135 C.E. Kaya lumilitaw na noong sinaunang panahon, halos kasintaas ito ng Bundok Moria, bagaman mas mababa pa rin ito sa kinatatayuan ng templo.—MGA LARAWAN, Tomo 1, p. 747, at Tomo 2, p. 947.
Ang lugar na ito ay angkop na angkop na gawing isang “moog,” yamang protektado ito ng malalalim na libis sa tatlong panig, anupat nasa K ang Libis ng Tyropoeon at nasa S ang Libis ng Kidron, na karugtong naman ng Libis ng Hinom sa timugang dulo ng tagaytay. (1Cr 11:7) Kailangan lamang ng lunsod ang mahigpit na proteksiyon sa H panig, at doon ay lalo pang papakipot ang tagaytay kung kaya napakahirap sumalakay sa panig na iyon. Hindi pa tiyakang natutukoy kung saan ang hilagaang hangganan ng “Lunsod ni David” na ito, bagaman ipinapalagay ng ilang iskolar na iyon ay ang nabanggit na makitid na bahagi nito. Sa paglipas ng mga siglo, ang mga libis ay tumaas dahil sa maraming guho, anupat hindi na gaanong kapansin-pansin ang estratehikong lokasyon at bentaha ng lugar na ito. Ang sinaunang Lunsod ni David ay tinatayang may kabuuang lawak na 4 hanggang 6 na ektarya (10 hanggang 15 akre).
-
-
David, Lunsod niKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Ang lugar na ito ay tinawag na “Lunsod ni David” nang ito ang maging maharlikang tirahan ni David, pagkatapos niyang mamahala nang pito at kalahating taon mula sa Hebron.
-