-
EliseoKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Nang madatnan ni Elias si Eliseo na nag-aararo, inihagis niya rito ang kaniyang opisyal na kasuutan, na nangangahulugan ng isang pag-aatas. (1Ha 19:16) Nag-aararo si Eliseo sa likuran ng 12 pareha ng mga toro, “at kasabay siya ng ikalabindalawa.” Noong ika-19 na siglo, iniulat ni William Thomson sa The Land and the Book (1887, p. 144) na isang kaugalian ng mga Arabe ang gumawang magkakasama gamit ang kanilang maliliit na araro, at madaling mahahasikan ng isang manghahasik ang lahat ng inararo nila sa maghapon. Si Eliseo, na nasa likuran ng pangkat, ay makahihinto nang hindi nagagambala ang pagtatrabaho ng iba.
-