Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Canaan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Gayunman, waring may malinaw na indikasyon na nasangkot siya dahil, mismong bago ilahad ang pagkalasing ni Noe, si Canaan ay biglang binanggit sa ulat (Gen 9:18) at, sa paglalarawan sa mga pagkilos ni Ham, tinutukoy siya sa ulat bilang si “Ham na ama ni Canaan.” (Gen 9:22) Makatuwirang ipalagay na ang pananalitang ‘nakita ang kahubaran ng kaniyang ama’ ay nagpapahiwatig ng isang uri ng pag-abuso o kalisyaan na nagsasangkot kay Canaan. Sapagkat, karaniwan na, insesto o iba pang mga kasalanan sa sekso ang tinutukoy kapag binabanggit ng Bibliya ang ‘paghahantad’ o ‘pagkakita sa kahubaran’ ng iba. (Lev 18:6-19; 20:17) Kaya posibleng si Canaan ay nagsagawa o nagtangkang magsagawa ng isang uri ng pag-abuso sa walang-malay na si Noe at na si Ham, bagaman nalaman niya iyon, ay hindi kumilos upang hadlangan iyon o hindi naglapat ng disiplina sa nagkasala, at dinagdagan pa niya ang pagkakasala nang ipabatid niya sa kaniyang mga kapatid ang kadustaan ni Noe.

  • Canaan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Yamang binabanggit lamang sa ulat na “nakita ni Ham na ama ni Canaan ang kahubaran ng kaniyang ama at sinabi iyon sa kaniyang dalawang kapatid na nasa labas,” bumabangon ang tanong kung bakit si Canaan, sa halip na si Ham, ang pinagtuunan ng sumpa.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share