-
EliasKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Nang panahong iyon ay pumaroon si Elias sa Bethel, at mula roon ay nagtungo siya sa Jerico at bumaba sa Jordan, anupat si Eliseo ay lagi niyang kasa-kasama noon. Doon, bilang gantimpala kay Eliseo dahil sa kaniyang katapatan, nakita niya ang isang maapoy na karong pandigma at ang maaapoy na kabayo habang si Elias ay umaakyat sa langit sa pamamagitan ng isang buhawi.
-
-
EliasKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Hindi namatay si Elias nang pagkakataong iyon, ni pumaroon man siya sa di-nakikitang dako ng mga espiritu, kundi inilipat siya sa ibang atas ng panghuhula. (Ju 3:13) Ipinakikita ito ng bagay na hindi nagsagawa si Eliseo ng anumang pagdadalamhati para sa kaniyang panginoon. Maraming taon pagkaraan ng kaniyang pag-akyat sa langit sa pamamagitan ng buhawi, si Elias ay buháy pa rin at aktibo bilang propeta, ngayon naman ay para sa hari ng Juda. Dahil sa balakyot na landasing tinahak ni Haring Jehoram ng Juda, sinulatan siya ni Elias ng liham na nagpapahayag ng kahatulan ni Jehova, na di-nagtagal ay natupad.—2Cr 21:12-15; tingnan ang LANGIT (Pag-akyat sa Langit).
-