-
Sa mga MagulangMga Leksiyon Ko sa Bibliya
-
-
Sa mga Magulang
Ano ang pinakamagandang regalo na maibibigay ninyo sa inyong mga anak? Marami silang kailangan, tulad ng inyong pagmamahal, patnubay, at proteksiyon. Pero ang pinakamahalagang regalo na maibibigay ninyo sa kanila ay ang kaalaman tungkol kay Jehova at sa mga katotohanang nasa kaniyang Salita, ang Bibliya. (Juan 17:3) Ang kaalamang iyan ay tutulong sa inyong mga anak na mahalin si Jehova at paglingkuran siya nang buong puso, kahit maliliit pa sila.—Mateo 21:16.
Napansin ng maraming magulang na mas natututo ang mga bata sa maiikling leksiyon at activity. Kaya natutuwa kaming ilabas ang publikasyong ito, Mga Leksiyon Ko sa Bibliya. Ang bawat leksiyon ay nagtuturo sa simpleng paraan. Ang mga larawan at tula ay dinisenyo para sa mga batang edad tatlo pababa. May mga activity rin ito. Ang brosyur na Mga Leksiyon Ko sa Bibliya ay hindi laruan. Ginawa ito para basahin at pag-usapan ninyo ng inyong mga anak.
Tiyak na makatutulong ang publikasyong ito sa pagtuturo ninyo sa inyong mga anak ng katotohanan sa Bibliya “mula sa pagkasanggol.”—2 Timoteo 3:14, 15.
Ang inyong mga kapatid,
Lupong Tagapamahala ng mga Saksi ni Jehova
-
-
Aralin 1Mga Leksiyon Ko sa Bibliya
-
-
Aralin 1
Sino ang gumawa sa dagat?
Sino ang gumawa sa mundo?
Sino ang lumalang sa akin at sa iyo?
Sino ang gumawa sa mga paruparong makukulay?
Diyos na Jehova ang lumalang sa lahat ng bagay.
ACTIVITY
Basahin sa iyong anak:
Ipaturo sa iyong anak:
Bituin Ulap Araw
Bangka Isda Bahay
Dagat Paruparo
Itanong sa iyong anak:
Ano ang pangalan ng Diyos?
Saan nakatira si Jehova?
Ano ang mga ginawa niya?
-
-
Aralin 2Mga Leksiyon Ko sa Bibliya
-
-
Aralin 2
Tingnan ang mga hayop na malapit sa arka.
Alin ang tumatahol, at alin ang umuunga?
Lahat ng hayop, maliit at malaki, ay naligtas sa arka ni Noe.
ACTIVITY
Basahin sa iyong anak:
Ipaturo sa iyong anak:
Aso Baboy Elepante
Giraffe Leon Oso
Tupa Unggoy
Zebra Bahaghari
Ipagaya sa iyong anak ang tunog na nagagawa ng:
Aso Baboy Baka
Leon Unggoy
-
-
Aralin 3Mga Leksiyon Ko sa Bibliya
-
-
Aralin 3
May sakit ang kaibigan ni David.
Kaya sinabi niya: “Alam ko na ang gagawin ko.
Gagawa ako ng sulat para siya ay sumaya, at ako ang magbibigay nito!”
Maging mabait sa iba, at pareho kayong sasaya!
ACTIVITY
Basahin sa iyong anak:
Ipaturo sa iyong anak:
Bahay Mesa David
Araw Ibon Puno
Itanong sa iyong anak:
Sino ang kakilala mo na may sakit?
Paano kaya natin siya mapasasaya?
-
-
Aralin 4Mga Leksiyon Ko sa Bibliya
-
-
Aralin 4
Umuulan.
“Hindi ako makalabas.
Kailan kaya ito hihinto?”
Ang sabi ni Tomoko.
Pero aba!
Lumitaw ang araw.
Nawala ang ulan.
Si Tomoko’y sumaya!
Agad na tumakbo palabas si Tomoko, sa kaniyang nakita, tuwang-tuwa siya.
Kaya sinabi niya, “Namumulaklak pala ang mga halaman kapag Diyos ay nagpaulan!”
ACTIVITY
Basahin sa iyong anak:
Ipaturo sa iyong anak:
Bintana Ibon Tomoko
Puno Bulaklak Bola
Eroplano
Itanong sa iyong anak:
Bakit ginawa ni Jehova ang ulan?
-
-
Aralin 5Mga Leksiyon Ko sa Bibliya
-
-
Aralin 5
Kapag isang kaibigan ang nagregalo o gumawa ng mabuti sa iyo, ngitian mo siya—at ulitin minsan pa!
Pero nasaan ka man, at anuman ang ginagawa mo, laging tandaan sabihin mong “Salamat sa iyo!”
ACTIVITY
Basahin sa iyong anak:
Ipaturo sa iyong anak:
Regalo Bata
Pinto Pagkain
Mansanas Telepono
Itanong sa iyong anak:
Bakit mabuting magsabi ng “Salamat”?
-
-
Aralin 6Mga Leksiyon Ko sa Bibliya
-
-
Aralin 6
Tingnan ang mga kamay, at igalaw ang mga paa.
Ituro ang ilong at saka mga tainga.
Tingnan ang mga binti na gamit sa pagtakbo, sa pagtalon, sa pag-ikot, at sa iba pang mga laro!
Tumingin sa salamin, ano ang nakikita mo?
Kamangha-mangha ang pagkakagawa ni Jehova sa iyo!
ACTIVITY
Basahin sa iyong anak:
Ipaturo sa iyong anak ang kaniyang:
Kamay Paa Ilong
Tainga Bibig
Hanapin.
Alimango Pusa
Itanong sa iyong anak:
Sino ang gumawa sa iyo at sa akin?
-