Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Babel
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • BABEL

      [Kaguluhan].

      Isa sa mga unang lunsod na itinayo pagkatapos ng Baha. Sa lugar na ito “ginulo [ng Diyos] ang wika ng buong lupa.” (Gen 11:9) Ang pangalan ay hinalaw sa pandiwang ba·lalʹ, nangangahulugang “guluhin.” Palibhasa’y inaakala ng lokal na mga mamamayan na ang kanilang lunsod ang sentro ng pamahalaan ng Diyos, sinasabi nila na ang pangalan ay pinagsamang Bab (Pintuang-daan) at ilu (Diyos), nangangahulugang “Pintuang-daan ng Diyos.”

  • Babel
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Maaaring matantiya ang panahon kung kailan isinagawa ang gayong pagtatayo batay sa sumusunod na impormasyon: Si Peleg ay nabuhay mula 2269 hanggang 2030 B.C.E. Ang pangalan niya ay nangangahulugang “Pagkakabaha-bahagi,” sapagkat “nang kaniyang mga araw ay nabahagi ang lupa [samakatuwid nga, “ang populasyon ng lupa”]”; “pinangalat sila ni Jehova mula roon sa ibabaw ng buong lupa.” (Gen 10:25; 11:9) Binabanggit sa isang teksto ni Sharkalisharri, hari ng Agade (Acad) noong panahon ng mga patriyarka, ang tungkol sa pagkukumpuni niya sa isang templong tore sa Babilonya, na nagpapahiwatig na mayroon nang gayong istraktura bago pa siya maghari.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share