Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ang Tipan ng Diyos sa Kaniyang “Kaibigan” ay Pinakikinabangan Na ng Angaw-angaw
    Gumising!—1987 | Mayo 8
    • 3, 4. (a) Ano ang nagpapakita kung gaanong lubhang pinahahalagahan ni Jehova ang pananampalataya at pagtitiwala na inilagak sa kaniya ni Abraham? (b) Sa anong mga salita winakasan ni Jehova ang pangungusap na ito sa Isaias 41:8?

      3 Ang taong iyon ng pananampalataya at pagkilos ay mula sa lunsod ng Ur ng mga Caldeo, at siya ang kauna-unahang tinawag na isang Hebreo. (Genesis 14:13) Ang katawagang ito ay ikinapit sa kaniyang mga inapo ng bansang Israel. (Filipos 3:5) Dahilan sa paggawa niya kay Abraham na kaniyang kaibigan, sinabi rin sa kaniya ng Diyos na Jehova ang ilan sa Kaniyang personal na mga bagay. Ito ay ipinakikita ng kung ano ang nasusulat sa Genesis 18:17-19.

  • Ang Tipan ng Diyos sa Kaniyang “Kaibigan” ay Pinakikinabangan Na ng Angaw-angaw
    Gumising!—1987 | Mayo 8
    • 6 Ang Eufrates ang ilog na tinawid ni Abraham at ng kaniyang sambahayan upang pumasok sa Lupang Pangako. Sa panahon ng pagtawid, si Abraham ay walang anak, bagaman ang edad niya noon ay 75 na, at ang kaniyang asawa ay lagpas na sa edad ng panganganak. (Genesis 12:1-5) Gayunman, sa harap ng gayong salungat na mga kalagayan, sinabi ng Diyos sa masunuring si Abraham: “Tumingala ka, pakisuyo, sa langit at iyong bilangin ang mga bituin, kung mabibilang mo ang mga ito. . . . Magiging ganiyan ang iyong binhi.”​—Genesis 15:2-5.

      7. (a) Ano ang itinawag sa tipang ito? (b) Sa anong taon ito nagkabisa at sa anong pangyayari sa buhay ni Abraham? (c) Ilang taon iyan bago ginawa ang tipang Batas sa bansang Israel?

      7 Ang tipan na ginawa ni Jehova sa kaniyang “kaibigan” ay tinatawag natin na tipang Abrahamiko. Ang tipang iyan ay nagkabisa noong 1943 B.C.E. nang sundin ni Abraham ang mga kahilingan ng tipan ng Diyos at tumawid sa Eufrates patungo sa Lupang Pangako. Nang taóng iyon obligado ang Diyos na Jehova na pagpalain ang walang anak na si Abraham ng “binhi.” Ang Batas na kabilang sa tipan na ginawa sa bansang Israel sa Bundok Sinai ay umiral 430 mga taon pagkatapos, noong 1513 B.C.E.​—Genesis 12:1-7; Exodo 24:3-8.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share