-
Magkaroon ng Pananampalataya na Katulad ng kay Abraham!Ang Bantayan—2001 | Agosto 15
-
-
6, 7. Nalagay sa anong nakababagabag na situwasyon sina Abram at Sarai, at paano iniligtas ni Jehova si Sarai?
6 Tunay ngang nakababagabag ito kina Abram at Sarai! Lumilitaw na si Sarai ay hahalayin na noon. Bukod dito, si Paraon, palibhasa’y di-alam ang tunay na katayuan ni Sarai bilang may-asawa, ay labis na nagbigay ng kaloob kay Abram, anupat “nagkaroon siya ng mga tupa at mga baka at mga asno at mga alilang lalaki at mga alilang babae at mga asnong babae at mga kamelyo.”b (Genesis 12:16) Tiyak na suklam na suklam si Abram sa mga kaloob na iyon! Bagaman waring gayon na lamang kasamâ ang situwasyon, hindi pinabayaan ni Jehova si Abram.
-
-
Magkaroon ng Pananampalataya na Katulad ng kay Abraham!Ang Bantayan—2001 | Agosto 15
-
-
b Si Hagar, na nang maglaon ay naging babae ni Abram, ay maaaring kabilang sa mga lingkod na ibinigay kay Abram nang panahong iyon.—Genesis 16:1.
-