Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan—1992 | Pebrero 1
    • Datapuwat, ang mga prinsipeng Ehipsiyo ay hindi pumasok sa pakikipagkasundo kay Abraham tungkol sa pag-aasawa ni Faraon kay Sarah. Wala silang ginawa kundi dinala lamang sa bahay ni Faraon ang magandang si Sarah, at ang tagapamahala ng Ehipto ay nagbigay ng mga regalo sa kaniyang inaakalang kapatid, si Abraham. Subalit pagkatapos nito, sa sambahayan ni Faraon ay pinasapit ni Jehova ang mga salot. Nang mahayag kay Faraon ang tunay na kalagayan sa isang paraang hindi nabanggit, sinabi niya kay Abraham: “Bakit mo sinabi, ‘Siya ay aking kapatid na babae,’ na anupa’t noon ay halos kukunin ko na lamang siya upang maging aking asawa? At ngayon ay narito ang iyong asawa. Siya’y kunin mo at yumaon ka!”​—Genesis 12:14-19.

      Ang pagkasalin ng The New English Bible at ng iba pang mga salin ng Bibliya sa binanggit na italisadong bahagi ng talata na “anupa’t kinuha ko siya bilang isang asawa” o nahahawig na mga pananalita. Bagaman hindi tiyakang masasabing ito’y isang maling pagkasalin, ang ganiyang pananalita ay magbibigay ng impresyon na aktuwal na naging asawa ni Faraon si Sarah, na ang kasal ay tunay na nangyari. Mapapansin na sa Genesis 12:19 ang pandiwang Hebreo na isinaling “kukunin” ay nasa di-ganap na panahunan, na nagpapakita ng isang aksiyon na hindi pa natatapos. Sa New World Translation ay isinasalin ang pandiwang Hebreong ito na kasuwato ng konteksto at sa isang paraan na malinaw na makikitaan ng panahunan ng pandiwa​—“na anupa’t noon ay halos kukunin ko na lamang siya upang maging aking asawa.”a Bagaman si Sarah ay “halos kukunin” na lamang ni Faraon upang maging kaniyang asawa, siya (si Faraon) ay hindi pa nakagagawa ng anumang hakbang o seremonya na kinakailangan.

      Bagaman si Abraham ay kalimitan pinipintasan dahil sa kaniyang ginawa tungkol sa bagay na iyon, subalit siya’y kumilos na kasuwato ng mga kapakanan ng ipinangakong Binhi at sa gayo’y ng buong sangkatauhan.​—Genesis 3:15; 22:17, 18; Galacia 3:16.

  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan—1992 | Pebrero 1
    • a Ang salin ni J. B. Rotherham ay kababasahan: “Bakit sinabi mong, Siya’y aking kapatid; na anupa’t noon siya’y halos kukunin ko na lamang upang maging aking asawa?”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share