Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Amorita
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Noong panahon ni Abraham, nilusob ng hari ng Elam, kasama ang tatlong iba pang hari, ang dakong T ng Canaan at tinalo nila ang ilan sa mga Amorita na naninirahan sa Hazazon-tamar, na ipinapalagay na nasa TK ng Dagat na Patay. Tatlong lalaking Amorita na nakatira sa Hebron o malapit dito ang “mga kakampi ni Abram” noon at dahil dito ay tinulungan nila siyang tugisin at talunin ang sumasalakay na mga hari, sa gayon ay nailigtas ang pamangkin niyang si Lot. (Gen 14) Gayunpaman, pagkaraan ng ilang panahon, sinabihan ng Diyos si Abraham na kapag sa wakas ay ‘nalubos na’ ang kamalian ng mga Amorita, ang mga inapo ni Abraham ay babalik sa Canaan mula sa isang banyagang lupain at aariin nila ang lupain ng mga Amorita.​—Gen 15:13-21.

  • Amorita
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Isang Prominenteng Tribo sa Canaan. Itinuturing ng ilang komentarista na ang terminong “mga Amorita,” ayon sa pagkakagamit sa Genesis 15:16 at 48:22, ay kumakatawan sa lahat ng mga tao sa Canaan sa kabuuan. Waring ang mga Amorita nga ang pangunahin o prominenteng tribo sa Canaan noong panahon ng Pag-alis ng mga Israelita mula sa Ehipto. (Ihambing ang Deu 1:6-8, 19-21, 27; Jos 24:15, 18; Huk 6:10.) Kung totoo ito, mauunawaan nga kung bakit paminsan-minsan ay tinutukoy ang ibang nakabababa at kamag-anak na mga tribo sa pamamagitan ng pangalan ng prominenteng tribo ng mga Amorita. Kaya sa Bilang 14:44, 45, sinasabi ng ulat na naranasan ng mga Israelita ang kanilang unang pagkatalo sa digmaan sa kamay ng “mga Amalekita” at “mga Canaanita,” samantalang sinasabi lamang sa sumaryo ni Moises ng mga pangyayari sa Deuteronomio kabanata 1 na “ang mga Amorita” ang tumalo sa kanila. (Deu 1:44) Gayundin, sinasabi sa Josue 10:5 na ang Jerusalem ay pinamamahalaan ng isang Amoritang hari (ihambing ang Eze 16:3, 45) ngunit ipinakikita naman sa ibang mga teksto na tinatahanan ito ng mga Jebusita. (Jos 15:8, 63; Huk 1:21; ihambing din ang kaso ng Gibeon sa Jos 9:7 at 2Sa 21:2.) Sa katulad na paraan, ang pangalan ng isang tribo ng bansang Israel, ang Juda, ay tumukoy sa lahat ng Israelita sa pamamagitan ng katawagang “Judio.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share