-
IlogKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Maaaring ang “ilog ng Ehipto” (Gen 15:18) ay ang “agusang libis ng Ehipto” rin.—Bil 34:5; tingnan ang SIHOR.
Kadalasan, ang Eufrates ay basta tinatawag na “Ilog.” (Jos 24:2, 3; Ezr 8:36; Isa 7:20; 27:12; Mik 7:12) Yamang ito ang pinakamahaba at pinakamahalagang ilog sa TK Asia, para sa mga Hebreo, ang Eufrates ay ang “malaking ilog.” (Gen 15:18) Kaya hindi lumilikha ng kalituhan ang pagtukoy rito bilang ang “Ilog.”
-
-
Ilog ng EhiptoKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
ILOG NG EHIPTO
Ipinangako ni Jehova na ibibigay sa binhi ni Abraham ang lupain “mula sa ilog ng Ehipto” hanggang sa Ilog Eufrates. (Gen 15:18) Karaniwang ipinapalagay ng mga komentarista na ang “ilog ng Ehipto” ay tumutukoy sa “agusang libis ng Ehipto” na iniuugnay ngayon sa Wadi el-ʽArish ng Peninsula ng Sinai. Ang wadi na ito ay bumubuhos sa Dagat Mediteraneo, mga 150 km (90 mi) sa S ng Port Said. (Tingnan ang EHIPTO, AGUSANG LIBIS NG.) Sa 1 Cronica 13:5 ang ilang salin ay kababasahan ng “ilog [shi·chohrʹ] ng Ehipto” (NW, La, AT), at maaaring ang tinutukoy rin nito ay ang Wadi el-ʽArish. Gayunman, posible rin na ang tinutukoy ng mga tekstong ito ay isang sanga ng Nilo.—Tingnan ang SIHOR.
-