Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Si Jehova—Talagang Pinakadakila!
    Ang Bantayan—1986 | Enero 1
    • “Sapagkat sino sa langit ang maihahambing kay Jehova?” ang tanong ng salmista. “Sino sa mga anak ng Diyos ang maihahambing kay Jehova?” (Awit 89:6) Kahit na ang panganay na Anak na sa paglalang ay nagsilbing Kaniyang “dalubhasang manggagawa” ay hindi makakapantay kahit na bahagya ng kadakilaan ni Jehova. Ito’y inamin niya mismo, na ang sabi nang siya’y narito sa lupa bilang ang taong si Jesu-Kristo: “Ang Ama ay lalong dakila kaysa akin.” (Juan 14:28) At bagama’t siya ang “dalubhasang manggagawa” ng kaniyang Ama, kailanman ay hindi niya inangkin ang titulo na kapuwa-Manlilikha. Kaniyang niluwalhati ang Diyos bilang ang kaisa-isa at tanging Manlilikha.​—Ihambing ang Genesis 1:26, 27; Kawikaan 8:30; at Mateo 19:4.a

  • Si Jehova—Talagang Pinakadakila!
    Ang Bantayan—1986 | Enero 1
    • a Makabuluhan na sa Genesis 1:26 (sa Ingles, NW) sa pagtukoy kay Jehova at sa kaniyang “dalubhasang manggagawa” magkasama, ay sinasabi “let us make,” samantalang sa susunod na talata Gen. 1:27ang ginagamit ay ang salitang “create” pagka tumutukoy kay Jehova lamang. Tungkol sa Hebreong salitang ito na isinaling “create” (sa Ingles), ang “A Dictionary of the Hebrew Old Testament in English and German” ni Koehler at Baumgartner, ay nagsasabi: “Sa M[atandang] T[ipan] [ito] ay isang terminong teolohikal na ang kinauukulan ay walang iba kundi ang Diyos lamang.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share