Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ismael
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Kaayon ng kahulugan ng pangalan ni Ismael, “narinig ng Diyos” ang kaniyang paghingi ng tulong, inilaan ang kinakailangang tubig, at pinahintulutan siyang mabuhay upang maging isang mamamana. Bilang isang pagala-galang nananahanan sa Ilang ng Paran, tinupad niya ang hula na nagsabi tungkol sa kaniya: “Siya ay magiging isang tao na tulad ng sebra. Ang kaniyang kamay ay magiging laban sa lahat, at ang kamay ng lahat ay magiging laban sa kaniya; at sa harap ng mukha ng lahat ng kaniyang mga kapatid ay magtatabernakulo siya.” (Gen 21:17-21; 16:12) Si Hagar ay nakasumpong ng isang asawang Ehipsiyo para sa kaniyang anak, at sa kalaunan ay nagkaanak ito ng 12 lalaki, mga pinuno at mga ulo ng pamilya ng ipinangakong “dakilang bansa” ng mga Ismaelita. Si Ismael ay nagkaroon din ng di-kukulangin sa isang anak na babae, si Mahalat, na napangasawa ni Esau.​—Gen 17:20; 21:21; 25:13-16; 28:9; tingnan ang ISMAELITA.

  • Ismaelita
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Gaya ng ipinangako ng Diyos, ang mga Ismaelita ay dumami at naging “isang dakilang bansa” na ‘hindi mabilang dahil sa dami.’ (Gen 17:20; 16:10) Ngunit sa halip na mamayan (iilang lunsod ang kanilang itinayo), mas ginusto nila ang buhay na pagala-gala. Si Ismael mismo ay “isang tao na tulad ng sebra,” samakatuwid nga, isang walang-tigil na palaboy na nagpagala-gala sa Ilang ng Paran at namuhay sa pamamagitan ng kaniyang busog at mga palaso. Sa kalakhang bahagi, ang kaniyang mga inapo ay mga Bedouin na namuhay rin sa mga tolda, mga taong gumala-gala sa Peninsula ng Sinai mula sa “tapat ng Ehipto,” samakatuwid nga, sa dakong S ng Ehipto at sa kabila ng hilagang Arabia hanggang sa Asirya. Kilala sila sa pagiging mga taong mababangis, paladigma at mahirap pakitunguhan, gaya rin ng sinabi tungkol sa kanilang amang si Ismael: “Ang kaniyang kamay ay magiging laban sa lahat, at ang kamay ng lahat ay magiging laban sa kaniya.”​—Gen 16:12; 21:20, 21; 25:16, 18.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share