-
IsmaelKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Nang sabihan siya na si Sara ay magkakaroon din ng isang anak na lalaki na siyang pagmumulan ng “mga hari ng mga bayan,” nakiusap si Abraham sa Diyos alang-alang sa kaniyang panganay: “O mabuhay sana si Ismael sa harap mo!” Matapos ipahayag na ang kaniyang magiging anak na si Isaac ang magiging tagapagmana ng tipan, ang tugon ng Diyos ay: “Kung tungkol kay Ismael ay narinig kita. Narito! Pagpapalain ko siya at gagawin ko siyang palaanakin at pararamihin ko siya nang lubhang napakarami. Siya ay tiyak na pagmumulan ng labindalawang pinuno, at gagawin ko siyang isang dakilang bansa.” (Gen 17:16, 18-20) Nang magkagayon ay tinuli si Ismael, sa edad na 13, pati na ang kaniyang ama at ang mga lingkod ng kaniyang ama.—Gen 17:23-27.
-
-
IsmaelKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Kaayon ng kahulugan ng pangalan ni Ismael, “narinig ng Diyos” ang kaniyang paghingi ng tulong, inilaan ang kinakailangang tubig, at pinahintulutan siyang mabuhay upang maging isang mamamana. Bilang isang pagala-galang nananahanan sa Ilang ng Paran, tinupad niya ang hula na nagsabi tungkol sa kaniya: “Siya ay magiging isang tao na tulad ng sebra. Ang kaniyang kamay ay magiging laban sa lahat, at ang kamay ng lahat ay magiging laban sa kaniya; at sa harap ng mukha ng lahat ng kaniyang mga kapatid ay magtatabernakulo siya.” (Gen 21:17-21; 16:12) Si Hagar ay nakasumpong ng isang asawang Ehipsiyo para sa kaniyang anak, at sa kalaunan ay nagkaanak ito ng 12 lalaki, mga pinuno at mga ulo ng pamilya ng ipinangakong “dakilang bansa” ng mga Ismaelita. Si Ismael ay nagkaroon din ng di-kukulangin sa isang anak na babae, si Mahalat, na napangasawa ni Esau.—Gen 17:20; 21:21; 25:13-16; 28:9; tingnan ang ISMAELITA.
-