Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Pananatiling may Pagkakaisang Kristiyano sa Relasyong Pangnegosyo
    Ang Bantayan—1986 | Nobyembre 15
    • Importante ang Pormal na Kasunduan

      5. Paanong ang karanasan ni Abraham sa pagbili ng lupa ay nagpapakita ng kahalagahan ng isang pormal na kasunduan?

      5 Upang makatulong para maiwasan ang di-pagkakaunawaan sa negosyo, pag-isipan ang paraan ng pagkabili ni Abraham sa kapirasong lupa. Kaniyang “tinimbang kay Ephron ang salaping sinabi sa harap ng mga anak ni Heth, apat na raang siklong pilak na karaniwang salapi ng mga mangangalakal. Kaya ang parang ni Ephron na nasa Machpelah . . . ay pinagtibay kay Abraham bilang kaniyang biniling pag-aari sa harap ng mga anak ni Heth sa harapan ng lahat ng nagsisipasok sa pintuang daan ng kaniyang bayan.” Ito’y hindi isang pribadong kasunduan ng mga maginoo. Ito’y isang pormal na kasunduan, pinagtibay sa harap ng mga saksi. Walang di-pagkakaunawaan tungkol sa pag-aaring binili at sa eksaktong presyo.​—Genesis 23:2-4, 14-18.

      6. Paanong ang mga Kristiyano’y makabubuo ng importanteng mga transaksiyon sa negosyo?

      6 Gayundin naman, isang katalinuhan para sa mga Kristiyano na gawing pormal ang importanteng mga transaksiyon. Kung ang transaksiyon ay tungkol sa pagbibili ng isang bagay, maaaring isulat ng dalawang panig kung ano ang ipinagbibili, ang presyo, ang paraan ng pagbabayad, kailan at kung paano ihahatid ang kalakal, at iba pang mga kondisyon na pagkakasunduan. Kung tungkol naman iyon sa isang serbisyo na kailangang gawin, maaaring isulat ng dalawang panig ang trabaho na gagawin, kung kailan ito matatapos, ang presyo, at iba pang mga detalye. Ang dokumentong ito ay kailangang sulatan ng petsa at pirmahan, at ang dalawang panig ay dapat bigyan ng kani-kanilang kopya. Ang ganiyang nasusulat na kasunduan ay lalung-lalo nang kailangan sa isang pagsusosyo sa negosyo. Tinutulungan nito ang magkabilang panig upang maunawaan nang maliwanag ang kanilang relasyon at tinutulungan sila na mamuhay na kasuwato ng payo ni Jesus: “Hayaang ang inyong Oo ay maging Oo, Ang inyong Hindi, ay Hindi.” (Mateo 5:37) Sa higit na masalimuot na mga bagay-bagay, baka mas mabuti na sumangguni sa isang propesyonal na tutulong sa paggawa ng isang nasusulat na kasunduan.

  • Pananatiling may Pagkakaisang Kristiyano sa Relasyong Pangnegosyo
    Ang Bantayan—1986 | Nobyembre 15
    • [Larawan sa pahina 16]

      Pinagtibay ni Abraham ang pagkabili niya ng lupa sa pamamagitan ng kasunduan na ginawa kay Ephron

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share